MISSION 18 (EDITED)

228 11 0
                                    


MISSION 18:
















•••
•••
















"Bakit hindi mo alam?" kalmado pa'rin ang boses nung mystery girl.

Ano ba kasi ang pangalan nun? Tss!

"Ayaw niyang sabihin. Kaya, binigyan ko na lang siya ng nickname para man lang may itawag ako sa kanya."

Nawala ang salubong ng kilay ko. 10 years ago. May kakilala siyang babae na tinuruan s'ya kung paano gamitin ang computers, at ang babaeng iyun ang nagturo sa kanya? Kung mas magaling ang babaeng 'iyun, ibigsabihin may katapat din pala si Athena?

Kasi sa tingin ko, sa lahat ng naging hacker sa mundong 'to, hindi man ganoon ka expert si Athena sa computer, pero kapag ginamitan niya ng utak ang pakikipagsabayan niya sa computer, sa tingin ko isa na siya sa pinakamagaling.

Maliban na lang kung ang sinasabi ni Cipher at ang babae na nakilala niya 10 years ago ay iisa?

"Wisdom,"

Hindi ko napigilan na matigilan sa narinig ko.

Wisdom...

"Wisdom ang tawag ko sa kanya."

Hindi naman siguro ako nabingi? Tama naman siguro ang pagkakarinig ko? Pero impossible. Baka ibang wisdom 'yan.

"Wisdom? Walang apilyedo.?"

"Malamang wala! Nickname nga sis eh."

"Wala."

"Eh pa'no nga natin hahanapin eh wala ngang apilyedo ang wisdom na'yan."

"Wait, kung siya nga ang gumawa ng passcode na'yan. Ibig sabihin ay kilala nung May Moon na'yun 'yang Wisdom na'yan? Baka pwedeng makilala."

"No!." pigil nung Cipher.

Nagsalubong ulit ang kilay ko sa sigaw niya. Sa tingin ko, mukang napatingin sa kanya ang ilang studyante sa cafeteria. Wala mang pasok pero doon sila kumakain.

"i mean, h-hindi muna pwede. S-sa ngayon."

Bakit nauutal ata siya?

"Iba muna ang gagawin natin nga——Teka! Ano 'to?"

Nanlaki kaagad ang mga mata ko nang bigla akong nakarinig ng kakaiba tunog sa spider voice tracking na inilagay ni Aphrodite kahapon.

"Ewww! What's that? Spider? Ewwww! Ilayo mo sa'kin yan Cipher!."

"Wait!."

At bago pa man 'yun makuha ni Kuyang Class D. Pinindot ko na kaagad ang main bottom para sumabog at wala silang makuhang trace kung kanino galing iyon.

Hindi nila pwedeng malaman!

"Aphrodite, changed plan. Alam na nila."

Tinanggal ko earpiece sa tainga ko. Kinuha ko ang earphone at isinaksak iyon sa cellphone ko.

"Aling alam na nila Ate A?"

MM1: MAY MOON (Artemis Diana Montello Montes)✓Where stories live. Discover now