MISSION 54:
•••
•••NAIDILAT ko bigla ang mga mata ko nang marinig ko ang paulit-ulit na boses ni Aphrodite sa tainga ko. Akala ko ay nananaginip ako, pero 'yun pala ay ginigising niya ako.
"Ate A!!! Late ka na pooooo! HUHUHU."
Dahan-dahan akong bumangon. "Late na ako? Ako lang?" kinusot ko ang mga mata ko. "Eh Ikaw pala? Hindi ka ba late Ngayon? Hah Aphrodite?"
"Hindi po." sagot nito. Kaya nagtataka ko siyang tiningnan. "Nakabihis na po ako Ate A. HE HE HE."
Bumaba ang tingin ko sa suot niya. At tama nga naman siya.
Sinamaan ko siya ng tingin. "At ngayon mo lang talaga ako ginising?"
L*nt*k talaga tong babaeng 'to, nakabihis na, tapos ngayon pa lang ako ginising? Sana man lang paggising niya, ginising niya na ako. Tss!
"Sorry na po." pagpapa cute niya.
Mabilis na akong tumayo at Inayos ang hinigaan ko. "Ako 'tong nag-alala sa'yo' kagabi, napuyat ako, tapos ngayon, ganiyan lang gagawin mo sa'kin." mahinang wika ko.
"M-may sinasabi ka po ba Ate A?"
Hindi ko na siya pinansin, kinuha ko ang uniform sa cabinet, kasama ang iba pang susuotin ko, at mabilis na akong tumakbo sa CR at naligo.
Pagkatapos maligo ay dito na'rin ako sa CR nagbihis. Mabilis akong natapos kaya lumabas na kaagad ako. At pagkalabas ko, nandito pa'rin si Aphrodite sa loob ng k'warto ko. Naka-upo sa kama.
"Oh? Akala ko pumunta ka na? Ma-la-late ka kapag hinintay mo pa ako." wika ko sa seryoso na tono.
"A-ate A..." mangiyak-ngiyak niyang banggit sa pangalan ko. "Sorry na. HUHUHU."
Umupo ako sa kama, sa kabilang banda, Isinuot ko ang black boots, inayos ko ang shoulder bag, kinuha ang kutsilyo at Ipinasok ito sa loob ng boots.
"Ate A..."
Tumayo ako at hinarap siya. Tumingala siya dahil nga naka-upo siya sa kama. "Naalala mo pa ba ang araw na late mo din akong ginising tapos pagkagising ko nakahanda ka na?"
Napasimangot siyang tumango. "Opo."
"Hindi kita pinansin dahil sa ginawa mo, naalala mo ba?"
"Opo."
"Pinansin lang kita nung tinanong kita," Hindi siya sumagot ng 'Opo'. Natigilan siya nang maalala ang nakaraan. "Kahit hindi mo naman sinagot ang tanong ko. Tss!"
Napa-iwas siya ng tingin. Nakita ko ang pag-lunok niya.
"Ngayon, tatanungin ulit kita," Tinitigan ko siya ng mabuti. "Sino ba ang dahilan kaya ka nagka-ganiyan?" Kaso, hindi siya makatingin sa'kin ng maayos. "Ano ang dahilan kung bakit umuwi ka ng gabi noon at basang-basa sa ulan? Umiiyak? Wala sa sarili?" sunod-sunod kong mga tanong.
At kagaya nga noon, hindi niya pa'rin kaya'ng sagutin ang mga tanong ko.
Napabuntong hininga na lang ako.
"HOYY!" biglang bumukas ang pintuan ng k'warto ko. "ANO PANG GINAGAWA NIYONG DALAWA DITO?!"
Nilingon ko ang taong 'yun at sinamaan ng tingin. "At bakit sumisigaw ka diyan, hah Apollo?"
"LATE NA KAYO P*NY*T*!"
Mabilis siyang nakalapit sa'min. Pareho niyang hinawakan ang mga wrist namin at sabay niya kaming hinila palabas ng kuwarto.
YOU ARE READING
MM1: MAY MOON (Artemis Diana Montello Montes)✓
Acción[ COMPLETED ] (UNDER EDITING) TITLE: May Moon Mission Class E GENRE: Mystery and Action AUTHOR: @AliceInRedribbon SYNOPSIS; Eighteen-year-old "Artemis Diana Montello Montes" is given a daunting mission by her father, the former member of the Elite...