MISSION 41 (NEW)

16 0 0
                                    






MISSION 41:




•••
•••


BAGO pa man iputok sa akin ang baril ay mabilis na kaagad akong yumuko para hindi sa'kin tatama ang bala. Kasabay nun ay sinipa ko ang dalawang armadong lalaki, ang isa ay sa mukha habang sa tiyan naman ang Isa. Tumakbo ako sa tatlo pa at inagaw ang mga baril nila, at sinipa ang-lalaki nila.

Gamit ang baril na kinuha ko, binaril ko sa mga paa, Isa-isa ang mga natira pa. Nang bumagsak na silang lahat, ay tinanggalan ko na ng bala ang hawak kong baril, tinapon at hinayaan na lang sa sahig.

"Ang t*ng* mo din naman pala kasing pumunta dito ng mag-isa. Do you think it's over? Not yet." Pinitik niya ang hintuturo sa kamay niya. Pero walang epekto. Walang guwardiya na pumasok.

"What happened? What is happening?! Where are you?!" paulit-ulit niyang kiniclick ang kamay niya. Tss!

"Hindi naman kasi ako t*ng* para pumunta dito ng mag-isa. May kasama ako, Krissy Mae Puertovilla." Humakbang nanaman ako papunta sa kan'ya. Dinaanan ko lang ang diary sa lupa.

Dalawang metro na lang ang layo namin. "Nagulat ka dahil kilala kita? Tss! Sino ba namang hindi makakilala sa babaeng maarte na, maldita pa. Kaya ba pinatay mo siya dahil naiinggit ka sa kan'ya?"

"I told you, I didn't kill her! Stop accusing me!"

"Hindi ako nagbibintang. Nagsasabi lang ako ng totoo. Kailangan ko lang nang sagot mo sa tanong ko, para mapatunayan na ang totoo."

"I already said the answer! Hindi nga ako ang pu—"

"Ikaw ang pumatay sa kan'ya!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko na sigawan siya. Ang laki na nang kasalanan niya tapos dadagdagan n'ya pa? Tss!

"Huwag mo akong pagbintangan!" sigaw niya sa akin.

"Yan, iyan ang dahilan. 'Yang galit mo na'yan. Hindi mo ma control. Galit na galit ka dahil lahat ng gusto mo ay napupunta sa kan'ya! Kaya pinatay mo siya."

"You don't have enough evidence—"

"Meron." Natahimik s'ya sa sagot ko. "Meron akong ebidensiya Krissy Mae Puertovilla. Hindi naman ako basta-basta na lang nam-bibintang kung wala akong dalang patunay. Alam ko ang pinagsasabi ko, pinag-isipan kong mabuti ang mga sinasabi ko."

Kami mismo ni Aphrodite ang nakakita kung paano niya pinatay si Mary Faith Del Monte. "Ikaw ang pumatay sa kan'ya."

Katahimikan. Naiyuko niya ang ulo niya. Pero Ilang sandali lang ay bigla siyang tumawa. Yung klase ng tawa na parang nababaliw. "HAHAHAHAHA! At sa tingin mo mapapa-amin mo ako? Hah! Kung sino ka man, pagsisisihan mong nakialam ka sa gulong 'to!" tinitigan niya ako ng masama.  "Kuya!" sigaw niya. Pero walang sumagot. "Kuya!" wala pa'ring sumagot. "Kuya?"

"Kung alam mo lang, planado ang lahat nang ito Krissy Mae Puertovilla."

"Ehem! Ehem!" Lahat napatingin sa malaking speaker na nakadikit sa dingding. "Test mic." boses ni Athena.

Nasa Control Room siya ngayon. Kanina pa siya nandoon. Nandun din ang tinawag na 'Kuya' ni Krissy Mae Puertovilla, pero dahil hawak niya na ang control room, hindi ko na alam kung ano na ang ginawa niya sa kan'ya.

Nung oras na wala pa si Athena doon, ang Kuya ni Krissy Mae Puertovilla pa ang may hawak ng control room. Kagaya ni Athena, magaling din siya pagdating sa computers. Kaso, ngayon, ewan ko, baka pinatulog na nila. Tss!

"Sorry, but the computer is temporary hacked. I repeat, the computer is temporary hacked."

Kinuha ko ang cellphone ko at cinancel ko na ang tawag. P*ny*t* lang! Ang sakit kasi sa tainga na ume-echo ang boses ni Athena sa speaker tapos naririnig ko din ang malakas na tunog sa earphone ko. Ang sakit sa tainga lang!

MM1: MAY MOON (Artemis Diana Montello Montes)✓Where stories live. Discover now