CHAPTER THREE✓

460 15 2
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.





CHAPTER THREE:













•••
•••














"Sagot ang hinihingi ko Kuyang Senior High. Hindi tanong. Ayusin mo ang pagkakasagot mo." pagbabanta ko sa kaniya.

"Y-yun na—" huminga ulit siya ng malalim. "Yun na ang sagot ko."

"Tatanungin kita..." Pinaliit ko ang mga mata ko. "Sagot ba 'yun?"

"Oo." sagot n'ya.

"Bakit tunog question mark ang dulo?"

"Kase..." Napakurap siya ng Dalawa. Tapos naging tatlo. Hanggang sa paulit-ulit na.

Tumitig siya sa mga mata ko. Kaso sa Ilong n'ya ako nakatingin. "Matalino ka Miss. Kaya nakakapagtataka kung bakit gusto mo pa mismo marinig mula sa bibig ko ang sagot." diretsyo niyang wika.

Nagsalubong ang dalawang kilay ko. Ang Inoccente talaga ng boses n'ya. Innocente din ang mukha n'ya. Pero... Parang may nagsasabi sa sarili ko na, delikado ang gan'yang mga Innocente.

"Kasi nagtatanong ako. Hindi sagot ang 'Hindi ba halata' sa naging tanong ko. Kaya ayusin mo 'yang sagot mo Kuyang Senior High." seryoso kong wika.

"Eto na. Seryoso na 'to." Napakamot siya sa gilid ng kaniyang noo. "Kasi... Magnanakaw ako ng sagot sa exam. Para bukas. Alam mo na, diba, test na bukas." sumimangot siya. "Mahina ako sa General Mathematics, Earth and Life Science, 21st Literature, Politics and Governance, Personal Development, lalo na 'yung Oral Communication namin. Kaya kailangan ko talaga ng sagot. Nakakapagod na mag study. Dahil kahit anong gawin ko, wala akong naiintindihan." mahaba niyang dagdag.

"Kaya gusto mong magnakaw ng sagot?"

"Oo."

"Yung sagot ba ang gusto mo? O ang Test Paper?" tanong ko sa kaniya.

"Yung sagot. Aanhin ko 'yang test paper kung wala namang sagot 'yan? Sagot ang kailangan ko hindi ang test paper." sagot n'ya.

"Edi doon ka sa mga subject teachers mo magnakaw."

"Huh? Bakit naman ako doon magnanakaw? Eh nandito ang sagot."

"Sigurado kang nandito ang sagot?"

"Oo."

MM1: MAY MOON (Artemis Diana Montello Montes)✓Where stories live. Discover now