MISSION 36 (NEW)

24 1 0
                                    








MISSION 36:















•••
•••
















Naglalakad at papunta sa gawi namin ang Anim na taong pumasok na naging dahilan naman ang pagpasok nila para maagaw nila ang atensiyon ng iba. Habang humahakbang sila palapit sa amin, may bigla lang silang hinila na upuan, walang nagmamay-ari sa bagay na iyon kaya kinuha nila, at Idinala. Hanggang na tuluyan na nga silang nakalapit.

"Boss!"

Nagbigay ng space ang iba para sa kanila. Walang paalam ay umupo lang sila.

"Ayun! Completo na tayo!"

Nagkatitigan kami ng tinawag nilang 'Boss'. Tss! Darren Jay ScheZinger.

"Eww, what are we doing here?"

Himala at nandito silang Anim? Nandoon din naman sila nung nag-group-review kami sa library, himala din iyon. Kaya ngayon na nasa cafeteria nanaman kami, himala din ito. Tss!

"Have you paid for everything you bought?" tanong ng boss nila.

Hindi ko na lang sila pinansin pa. Kumain na lang ako sa cake, at sinipsip ang shake na binigay nila. 

"Wala pa boss."

"Why?"

"Ahh, Ehh,"

"Gag* ka! Sabihin mo na!" boses ni Carl.

"Kasi Boss—"

"Lance! Hurry up, just answer Darren's question!" maarteng wika ng babaeng maldita. Tss!

"Hinihintay ka naming dumating Boss. HEHEH."

Napahinto ako sa pagkain.

"Okay. I will pay everything."

Umangat ang tingin ko sa kan'ya.

"And when I say everything, including May."

Nang dahil sa sinabi niya, nagsigawan ang ibang Class E Students lang, hindi kasali ang taga ibang Class. Tss!

Napakasaya ng iba dahil libre niya. Habang ang iba naman ay napangiti lang, ang iba naman ay nalaglag ang panga, nagulat, hindi makapaniwala sa narinig, Isa sina Sheena, Charline at Jasmine diyan. Habang si Aphrodite din naman, natutuwa. Samantalang ako, nawalan ako ng ganang kumain. Tss!

Nawalan man ako ng gana, pinagpatuloy ko pa'rin naman ang pagkain ko. Hinayaan ko na lang sila na gawin ang gusto nilang gawin. Kahit masakit na talaga sa tainga ang mga boses nila, sa sobrang ingay nila, wala na akong magagawa pa. Desis'yon nila eh, alangan naman makikialam ako?

Nabasa ko sa Diary, dati dito sila kumakain, silang mga Class E Students. Napakasaya nila that time, tawanan, kuwentuhan, biruan at asaran. Napakaingay nila noon. Kahit nasa library sila, napakaingay nila.

Kaso nagbago ang lahat ng iyon, nagbago ang kinakagawian nila simula nung namatay SIYA. Ang saya, tawanan, kuwentuhan, biruan at asaran nila ay nawala na lang bigla.

Pero ngayon, gusto ko na unti-unti iyong ibalik. Lalo na ngayon na napapansin ko na ang kinalalabasan ng mission ko. Gusto kong ibalik yung dating sila, sila noon. Kung gaano sila kaingay noon, ganun din dapat sila ngayon. At nakikita ko na nga ito ngayon.

Nagkakatuwaan sila, nagtatawan, nagbibiruan, at nag-aasaran. Maliban pala sa Anim na tao, at pang-pito naman ako, na walang ginawa kundi ang panoorin lang sila. Tss!

Napakaganda pa lang tingnan kapag ganito sila. Nakangiti, hindi yung ngiting pilit. Hindi katulad nung una ko silang makita, napaka-plastik ng mga expression nila sa mukha. Kulang na lang kukunin ko ang baril ko sabay pasabugin ito sa mga mukha nila. Tss!

MM1: MAY MOON (Artemis Diana Montello Montes)✓Where stories live. Discover now