MISSION 30 (EDITED)

40 2 0
                                    






MISSION 30:















•••
•••
















Si Mary Faith Del Monte ang bida sa kuwentong ito. Kailangan kong alamin kung saan nagsimula ang lahat. At unti-unti ko na nga iyong nalalaman. Dahil hindi ko matatapos ang miss'yong 'to kung hindi ko alam kung saan nagsimula. At ngayong alam ko na kung paano, saan o kailan nagsimula ang kuwento. Siyempre ang gagawin ko nanaman ay tapusin ito. Pangit ang istorya kung walang ending. Hindi natapos ang kuwento ni Mary Faith Del Monte sa totoong buhay niya dahil namatay siya, kaya nandito ako para tapusin na ang nasimulan niya. Bibigyan ko ng 'Ending' ang buhay na sinimulan niya na hanggang gitna lang dahil namatay siya. At simula sa gitna, ako ang magtatapos hangang dulo ng istorya niya.

Aalamin ko kung sino ang pumatay sa kan'ya. Babaguhin ko ang dati niyang section. Ibabalik ko ang dating itshura ng Class E. Ibabalik ko ang pinaghirapan niya, kahit hindi ko man siya gaanong kilala, hindi kami close, at ni hindi ko nga sya naabutan, pero dahil nga mission ko ito, karapatan ko na'ring bigyan ng hustis'ya ang pagkamatay niya. Na realized ko na sa Mission na ibinigay ni papa sa akin, na hindi lang mag sti-stick sa mission na sinabi niya. Hindi lang ang Class E, s*x room ang pagtuunan ko ng pansin, kundi pati ang nasangkot sa kaguluhan na iniwan niya. Kailangan ko din na alamin ang sariling side nila para malaman kung ano nga ba ang totoo.

Nagawa ko na ang una, nagawa ko ng alamin ang sariling point of view ng mga naging kaibigan ni Mary Faith Del Monte. Madami akong nalaman dahil sa diary niya. Nalaman ko na ang sinimulan niyang kuwento. At ngayon, aalamin ko na ang sariling side ni Darren Jay ScheZinger, Darelle Jayson ScheZinger at Krissy Mae Puertovilla. Na sa tingin ko ay mahihirapan ako. Ihuhuli ko si Krissy Mae Puertovilla, at uunahin ko si Darelle Jayson ScheZinger.

NATAPOS na ang usapan namin sa mga mysterious persons. Hindi na'rin kami pumasok pa ni Aphrodite sa klase dahil may iba kaming pakay. May hinahanap kami na isang bagay para malaman na kung sino nga ba ang nasa likod ng pagkamatay ni Mary Faith Del Monte. Ang Climax ng kuwentong 'to.

Si Aphrodite ay may sariling ginagawa. Ginagawa niya ang nag-usapan namin kagabi. Ang gagawin niya sa ngayon ay hahanapin ang pinapahanap ni Hera. Kahapon ay hindi ko mapigilang magtaka kay Hera, alam ko na dati pa lang ay tahimik na talaga siya, pero sa paraan na pinakita niya kahapon, sa paraan ng pananahimik niya, ang paglalaro n'ya sa kaniyang labi, alam ko na may malalim siyang iniisip. Nasa hobbies ni Hera na pinaglalaruan niya ang ibabang labi niya kapag nasa malalim siya nang pag-iisip, at nalaman nga namin ang nasa isip niya.

Kaming Anim ay mahirap basahin. Pero malalaman mo kung kilala mo na talaga kami, at malapit ka sa amin.

Sinabi nga sa amin ni Hera ang nasa isip niya, at nagulat kami sa nalaman namin. Tuwang-tuwa ako kahapon na sa wakas ay malalaman ko na 'din, pero nawala ang tuwa ko nang ma-realized na mahihirapan kaming hanapin iyon. Isang taon na ang lumipas kaya impossibleng mahanap pa ito gayong alam niyang matagal na iyong nangyari, matagal na sigurong naitago. Hindi man nila alam kung ano 'yun pero alam ni Hera kung anong laman nun dahil siya mismo ang naglagay noon dito. Tss!

Sa kakalakad ko ay nakita ko si Darelle Jayson ScheZinger sa likod ng Class E building. Siya talaga ang hinahanap ko, gusto ko siyang makausap. Tss!

Nakaupo siya sa isang damo na patay na, pinabayaan na kasi ang Battlfield na'to, idagdag mo pa na madaming dugo ang dumanak dito ng dahil lang laro nila. Tss!

MM1: MAY MOON (Artemis Diana Montello Montes)✓Where stories live. Discover now