MISSION 5 (EDITED)

382 17 1
                                    


M

ISSION 5:















•••
•••
















Katahimikan lamang ang namayani sa buong Opisina niya.

'If Aphrodite is like a carbon copy of Mama. Then I am Papa's carbon copy...'

Pareho kaming hindi marunong pagdating sa pagsisinungaling? Kung ganun... Hindi ba marunong magsinungaling si Papa?

Bakit... Hindi halata?

"Hahayaan ko na lang muna si Astraea na makipag bonding kay Aphrodite." Huminga siya ng malalim.

Parang mahirap sa kaniya na Isantabi muna ang pakay kay Mama. Tss.

"Dahil uunahin na muna kita Artemis." dagdag n'ya.

Lumapit ako ng konti sa kaniya. "Diretsyuhin mo na ako, Papa."

"I know."

Binuksan n'ya ang Isang Aparador sa Ilalim na nakadikit sa mahabang Mesa. May kinuha siyang kulay Brown na Envelope at Inilapag n'ya ito sa kaniyang mesa.

Lumapit ako para kunin yun at tiningnan kung ano ang nakasulat sa labas. At halos hindi mapigilan ng sarili ko na magulat.

"A Serious Mission." basa ko sa naka Calligraphy Bold na Letters.

'To: May Moon...

From: Seven Sun...'

Ganiyan ang nakasulat.

'Seven Sun...'

"Galing sayo... Papa?" halos hindi ko makapaniwalang tanong.

'Papa's Codename...'

"Yes Artemis."

Napakurap ako ng dalawang beses. "Seryoso?" salubong na kilay kong tanong.

"Yes Artemis." sagot n'ya.

Ito ang Unang pagkakataon ko na makatanggap ng Isang Mission na galing mismo kay Papa. Kasi ako—hindi lang pala ako, dahil lahat pala kami. Kami nina Aphrodite, Athena, Demeter, Hera at Hestia ay tumatanggap kami ng mission galing lamang kay Butler Blue Scion.

Si 'Blue Scion' ay ang nag-iisang Butler ng Montello Montes. Official Servant namin. At maliban sa trabaho n'ya na pangalagaan ang kaniyang amo, ay trabaho n'ya 'rin ang bigyan kami ng Mission,

Araw-araw.

Simpleng mga Mission lamang yun. Parang katuwaan. Dahil sa Edad namin, kailangan sanayin muna namin ang mga sarili namin sa mga madadaling mission. Hindi pwedeng tumalon paitaas. Kailangan magsimula talaga sa Ibaba.

Ang paggawa ng mga Mission araw-araw ay parte ng Training namin bilang myembro ng Montello Montes Family.

Kahit anong Mission na pinapagawa ni Butler Blue Scion sa amin, ay ginagawa namin. At magrereport sa kanya kung natapos ba namin o wala.

Kaya... Bago sa akin na makatanggap ng Mission na hindi si Butler Blue Scion ang nagbibigay.

"This is your first ever serious mission given by me Artemis." rinig kong boses ni Papa.

Ngunit hindi ko siya nagawang tingnan dahil masyadong naka focus ang aking paningin sa hawak-hawak kong brown envelope.

"But this mission is too dangerous for your age Artemis."

Mabilis akong napatingin sa kanya. "Kung delikado naman pala, bakit Ibinigay mo pa?" walang gana kong tanong.

Napangisi siya. "As expected from my daughter."

MM1: MAY MOON (Artemis Diana Montello Montes)✓Where stories live. Discover now