MISSION 14 (EDITED)

228 13 2
                                    



MSSION 14:

















•••
•••

















Pero sa bilis ng pagtira sa Katana na iyon ay alam kaagad kung sino ang gumawa nun. Eh isa lang naman ang kilala kong babae na sing bilis kung tumira 'pag kutsilyo. Ipapahawak mo lang sa kan'ya ang lahat, huwag lang ang pinakapaborito niyang weapon. Tss!

Aphrodite Venus, my sister.

Pero pinakilala niya ang sarili niya as Dite Hurt.

Kagaya ko ay ganun 'din siya, siya ang pinaka-innocente sa amin. Pero kapag usapang mission, seryoso 'yan.

Kaya ang naging laban namin ay kanina ay mas'yadong naging kasabik-sabik. Sumeryoso 'rin ang dalawang mag-kapatid at ganun din kaming mag-kapatid.

Kaya ang laban namin, magkapatid versus magkapatid. Tss!

Papalit-palit kami ng galaw ni Aphrodite. Pareho kaming pang long-ranged attack, pero paminsan naman wala kaming magawa kundi mag change ng position, to close-ranged. Mabuti nga sinanay din kami.

Nagtapon ang espada at kutsilyo ni Aphrodite, kaya napangisi kaagad ang dalawa.

Nagkatinginan muna kami ni Aphrodite, at alam kaagad namin kung ano ang nasa isip namin. Lumaban kami ng walang gamit na mga armas. At sa huli, panalo kami ni Aphrodite. Tumba ang mag-kapatid sa amin.

Pareho naming suot ni Aphrodite ang Thick Glasses namin. Hindi man lang ito nahulog. Syempre, may protector. At since naka eye-contact ko ang dalawang magkapatid ay Nakita kaagad ni Athena ang kung sino man ang dalawang magkapatid na'yan.

Hindi nakaligtas sa'kin ang suot na earpiece ni Li. Nahagip mismo ng mga mata ko ang palihim na pagsalita ni Li, hindi sa kaniyang sarili, kundi sa kausap niya sa kabilang linya. Hindi ko alam kung Anong sinabi ng kausap niya sa kabilang linya, pero nangyari na lang na Ibinagsak nila ang hawak nilang mga weapons saka umatras sa laban namin. Halos katahimikan ang namayani sa buong Clasa D students at sigawan naman ang namayani sa Class E. Halos isinisigaw na nila ang mga pangalan namin.

Pero hindi padin nawala sa isip ko ang kausap ng kung sino man ni Li. Umpisa palang talaga ay may kutob na talaga ako na katulad namin sila.

May nahagip din bigla ang gilid ng mata ko nang may biglang umilaw. Hindi siya ilaw ng isang light-bulb kundi isang glass ng isang telescope na tumama sa araw. Nag reflect ito kaya parang gumawa ng nakakasilaw na liwanag. Tumama 'yun mismo sa gilid ng mukha ko kaya napatingin kaagad ako sa gawi na iyon.

Kaso bigla na lang iyon nawala. Saglit lang. Hindi ko siya kita, pero gusto kong alamin kung sino nga ang nandoon. Kanina pa ba siya doon? Kanina niya pa pinapanood ang laban namin? Tss!

"Heyyy! Guyss! Hindi niyo na dapat kailangang magtalo pa! Look! Sila ang dahilan kung bakit natin naipanalo ang lahat ng Game."

Bumalik nalang ako sa realidad nang halos umiingay na ang buong Class E. Hindi ko alam kung ano na ang nangyari pero sa nakikita ko, mukang nagkaroon ng debate habang nagflaflashback sa isip ko ang nangyari kanina. Tss!

"Yeahhh! Nathalie is right. Hindi natin mare realize na kailangan natin ng Team Work kung hindi tayo sinabihan ni May."

Kumunot ang noo ko sa sinabi ni CR. Bakit bigla ata itong bumait? Tss!

MM1: MAY MOON (Artemis Diana Montello Montes)✓Where stories live. Discover now