MISSION 52 (NEW)

8 1 0
                                    









MISSION 52:








•••
•••




















Kakatapos lang ng Mission S*x Room ko, tapos ngayon, may panibagong mission nanaman akong kahaharapin?

Hindi ko Inaasahan, na ang pagkikita pala namin sa ScheZinger High University ay aabot sa ganito. Aabot sa punto na pati ako magbabago.

I think this is just the beginning of my story.

The story of me, and him.

Tinalikuran ko na si Kuyang Class D at bumalik na sa mesa namin na kung saan ako naka-upo kanina. Iniwan ko na siya sa gitna ng dance floor. Hindi ko na nakayanan, mas'yado nang madami ang nakita niyang expression sa mukha ko, ayoko na baka tuluyan ko ngang tanggalin ang barrier na nakaharang sa emotion ko.

Ayokong mangyari 'yun.

"Oh? Ba't nandito ka na May?"

"Iniwan mo si X sa Dance Floor?!"

Naabutan ko ang mga Class E na may pagtatakang expression sa mukha. Halatang naguguluhan sa nakikita.

"May! Anong ginawa mo?"

Ngunit hindi ko sila pinansin. Hinayaan ko na lang na batuhin nila ako ng ibat-ibang mga tanong. Wala naman akong balak na sagutin 'yun. Tss!

Uupo na sana ako nang napansin ko na wala si Aphrodite sa table. "Si Dite?" tanong ko sa kanila at tiningnan ang kabuo-an ng venue.

"Kami unang nagtanong, tapos ngayon tatangungin mo kami?"

"Nasa comfort room May." sagot ni Sheena sa naging tanong ko.

Habang nakatayo lang dito sa area namin, hinanap ng mga mata ko ang tinutukoy niyang 'Comfort Room'. Kaso, "Saan?" tanong ko nang hindi ko ito Makita.

Malay ko ba kung nasaan ang comfort room sa venue na'to. Tss!

"Nandoon May." sagot ni Charline sabay turo sa malayo.

Sinundan ko ng tingin ang daliri niya at tumango nang makuha ito. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa, pinuntahan ko na kaagad ang comfort room na tinutukoy nila. Nang makita ko na ito, ay pumasok ako at hinanap siya. Binuksan ko Isa-isa ang cubicles at umaasa na makikita ko siya, kaso, hindi ko siya nakita.

Walang Aphrodite sa comfort room. Hindi ko maramdaman ang presensiya niya dito.

Nagsalubong ang dalawang kilay ko.

Mabilis kaagad akong lumabas ng comfort room at naghanap ng ibang comfort room. May nakita ako sa medyo malayo, at kagaya ng ginawa ko sa nauna, ganun din ang ginawa ko sa pangalawa. Binuksan ko Isa-isa ang mga cubicles. At ganun pa'rin ang resulta, wala pa'rin siya dito!

Lumabas ulit ako at naghanap pa ng iba, kaso, sa kasamaang palad, wala na akong nahanap.

Nasaan ka Aphrodite?!

"Artemis Diana."

Natigilan ako nang marinig ko ulit ang pangalang iyan, mula sa bibig niya.

Teka! Bakit nga ba ako natitigilan?

"Do you accompany an armed men in a formal attire?" tanong nito.

"Armed men? Na naka formal attire?" ulit ko sa sinabi niya. "Ako at ang kapatid ko lang ang alam mong nandito. Lumaki kami na kaya'ng ipagtanggol ang sarili. Kaya hindi namin kailangan ng mga armadong lalaki."

MM1: MAY MOON (Artemis Diana Montello Montes)✓Where stories live. Discover now