MISSION 29 (EDITED)

62 3 2
                                    




MISSION 29:















•••
•••






















"Hindi namin alam kung paano kayo may alam tungkol sa pagkamatay niya," si Li ang bumasag sa katahimikan. "Kaming mga taga Class D at silang mga Class E lang ang nakakaalam tungkol diyan."

Nagsalubong ang dalawang kilay ko. Silang mga Class D at Class E lang? Paano yung mga taga Class A at B? Ibigsabihin ba ay hindi nila alam na patay na si Mary Faith Del Monte? Wala silang alam?

"Ano ba talaga kayo? Sino ba talaga kayo?," nagpabalik-balik ang tingin niya sa aming dalawa ni Aphrodite. "Kakampi ba kayo o kaaway?"

May seryosong expression sa mukha ko lang silang tinitigan.

"Both." yung huling tanong niya ang sinagot ko. Parehas.

Kakampi at Kaaway. Kakampi nila kami kapag sa una dahil sa mission ko, pero kapag matapos na ang miss'yong 'to, wala na. Nasa kanila na lang kung magiging kalaban ba kami sa paningin nila. Tss! "Hindi ko muna masasagot ang unang tanong mo Li. Kaya ako naman ang magtatanong. Paano kayo napunta sa Class D? Anong dahilan?"

Nakita ko ang pagkagulat na reaction ng dalawang magkapatid. Tss! Hindi siguro nila inaasahan na itatanong ko iyon.

"Alam mo din yun?" salubong ang kilay na tanong  ni Cipher. Tumango naman ako sa tanong niya. "Paano?"

Sumingkit ang dalawang mata ko sa tanong niya. Anong paano? Tss! Malamang mission ko 'to kaya dapat lang alamin ko. Tss!

"Pakisagot muna ang tanong ko," si Cipher ngayon ang tinitigan ko.

Hindi ko siya mabasa. Ang hirap niyang basahin. Salubong lang ang dalawang kilay. Alam ko na madaming tanong ang nasa isip niya pero kahit ni isa ni hindi ko mahulaan. Tss! "Alam ko na dati kayong Class A, at nagtataka ako kung bakit napunta kayo ngayon sa Class D." tiningnan ko na si Li at Milly na basang-basa ko ang expression sa mukha. Nagtatanong. "Paanong pati kayong dalawa ay naghahanap din ng ebidensiya tungkol sa pagkamatay niya gayong galit kayo sa kanya?" Napangisi ako ng palihim nang magulat sila sa naging tanong ko sa kanila.

"Hindi sapat ang nalaman ko tungkol sa nakaraan niyo kasama si Mary Faith Del Monte. Hindi sapat ang nalaman ko na naging kaibigan n'yo siya, at nadamay kayo sa kan'ya. Maraming galit sa kan'ya dito sa University noon. At ang pagkamatay niya, hindi lahat ay sapat na para malaman ko yun. Maraming kulang kaya kailangan ko nang Point of View nyo. Gusto kong malaman kung bakit kayo napunta sa Class D? At anong connection nang pagbuo ng Bloody Athlete Game sa pagkamatay ni Mary Faith Del Monte? Bakit Class D at Class E lang?." sunod-sunod kong tanong.

Hindi ko na kailangan pang itago ang lahat nang nalalaman ko. Hindi ngalang lahat ay itinanong ko. Tss! Gusto kong malaman ang side nila. Pagkakataon ko na ito. Atshaka hindi bobo sina Sheena, Jasmine at Charline para hindi maiintindihan ang mga tinatanong ko. Alam kong may namumuo ng ideya sa isipan nila dahil nandito din sila sa panahon noon. Naging parte din sila ng buhay ni Mary Faith Del Monte.

"Principal's decision." si K yung sumagot. "Pinalipat niya kami sa Class D dahil sa bumaba ang grade namin—No, actually, Ibinaba."

Napatitig tuloy ako sa kan'ya. Bakit parang nakikita ko ang version ko sa kanya? Mababakas ko kasi na walang gana din ang pagkakasabi niya. Parang inaantok na. Tss!

"Hindi kami tanga para hindi malaman ang dahilan kung bakit niya kami pinalipat. Tss!."

At ang mukha niyang blanko lang? Tss! Medyo may pagkakapareho talaga kami. Maganda din naman si K, mahaba ang buhok niya, pure Black hair talaga. Wala akong makikitang kahit anong kulay. Tss!

MM1: MAY MOON (Artemis Diana Montello Montes)✓Where stories live. Discover now