MISSION 16:
•••
•••Dahan-dahan kong ipinasok sa loob ng Denim Jacket sa bulsa ko ang kaliwang kamay ko. Nakikita ko na titig na titig ang lima sa'kin. Sa isip nila, kung ano-ano na ang tumatakbo na baka kung anong kutsilyo ang 'andito. Pero nang tuluyan ko nang makuha ang hinahanap ko ay halos sabay-sabay silang nakahinga ng maluwag. Tss!
"Kung gusto niyong mag-usap nang walang makakarinig, siguraduhin niyong nilinis n'yo ang buong paligid para makakasiguro na safe na ang lugar. Wala nang nakikinig. Ligtas nang pagtsismihan ang isang taong pinag-uusapan n'yo." walang gana kong wika sabay bukas ko sa Fresh Candy ay kinain 'yun.
Dinaanan ko na lang sila at wala na akong hinintay pang sumagot. Tss! Naglakad lang ako palabas ng kakahuyan. Mabuti nalang ay nakita ko na kaagad ang daan palabas, mabuti nga wala ako sa malayo.
Akala ko nanaman ay maliligaw nanaman ako. Tss!
Naglakad na ako sa hallway papuntang Dorm namin ni Aphrodite nang bigla akong may nakabangga. Hindi naman ako natumba dahil hindi naman mas'yadong malakas ang pagkakabangga sa'kin.
Sa balikat lang, at para bang...
Sinadya talaga akong banggain nang kung sino man ang naglakas loob na banggain ako. Tss!
Hindi ko na lang pinansin ang taong bumangga sa akin, dumiretsiyo na lang ako sa paglalakad,
Pero may huling tiningnan ako,
Agad 'din naman akong huminto. Tss! Napatingin sa gilid ang mga mata ko.
"Kuyang Class D," tawag ko sa taong bumangga sa'kin.
Hindi ko man lingunin ay ramdam na ramdam ko na napatigil din siya sa paghakbang. Wala akong narinig na sagot mula sa kanya pero alam ko naman na andyan pa siya dahil nararamdaman ko.
"Anong kailangan mo sa Cellphone ko?." walang gana kong tanong.
Oo, iton ang una kong napansin. Sinadya niya akong banggain para makuha ang cellphone ko na nasa bulsa ng skirt ko. Kung titingnan, kanina sa pheriperal vision ko ay alam kong may mali. Napaka-ingat ng ginawa niya.
At nalaman ko din kaagad ang class niya dahil nakita ko ang nakasulat sa suot niyang ID.
Class D.
Hindi nga lang nakita ang pangalan niya dahil parang may nakadikit dun na hindi pwedeng makita. Tss!
Nilingon ko na si Kuyang Class D at bago pa man siya lumingon ay ibinaba ko sa sahig ang tingin ko.
Pero ang mukha ko ay nakaharap sa kanya pero ang mga mata ko ay nakatingin sa sahig ng hallway. Wala akong ibang makikitang dumadaan dito dahil malapit pa ito sa parte ng Class E building.
Kaya nakakapag-tataka na nandito ang isa sa Class D, Tss! O sasabihin na lang kaya na'tin na Dalawa.
Isali pa kanina ang isa sa nakita ko sa kakahuyan.
YOU ARE READING
MM1: MAY MOON (Artemis Diana Montello Montes)✓
Action[ COMPLETED ] (UNDER EDITING) TITLE: May Moon Mission Class E GENRE: Mystery and Action AUTHOR: @AliceInRedribbon SYNOPSIS; Eighteen-year-old "Artemis Diana Montello Montes" is given a daunting mission by her father, the former member of the Elite...