MISSION 44 (NEW)

22 1 0
                                    



MISSION 44:













•••
•••













"Tumigil ka nga!" Hahakbang pa sana siya nang, "Isang hakbang mo pa, sisipain talaga kita." seryoso at may diin ang bawat salita ko.

Kaya bigla siyang huminto. At kunot-noo akong tiningnan. Hindi siyang nagsalita, kaya ako muna. "Hindi mo ba nakikita? Natatakot sa'yo' ang kapatid ko. Wala akong alam sa nakaraan niyong dalawa, at wala akong pakialam sa'yo'! Kaya please lang, hayaan mo muna siya. Huwag mo siyang lapitan, hanggang diyan ka lang."

Hindi ko na napigilan na ipakita sa kan'ya ang sakit din na nararamdaman ko. "Hindi ko na siya kilala. Hindi siya yung kapatid na nakilala ko noon, hindi s'ya yung kapatid na nakasama ko noon. Parang ibang Aphrodite na ang nakaharap namin ngayon, simula nang makita ka niya." Napa-iwas ako ng tingin para itago sa kan'ya ang emotion na nararamdaman ko ngayon.

Marami akong gustong itanong sa kan'ya. Pero sa ngayon, uunahin ko muna ang kalagayan ni Aphrodite. "Makinig ka na lang sa sinabi nila. Hangang diyan ka nalang. Huwag mo ka ng humakbang pa." Tinalikuran ko na siya. "At lalong-lalo na, huwag mo nang lapitan ang kapatid ko. Mas maganda kung huwag ka na lang din magpakita pa sa kan'ya."

'Dahil nag-iiba ang kapatid ko kapag kaharap ka niya...'

Tuluyan ko na siyang iniwan. Lumapit ako Kay Aphrodite at hinawakan ang kamay niya, hinila ko siya palabas sa eksena. Naramdaman ko naman na sumunod sina Hestia, Hera, Athena and Demeter.

Pagkalabas namin sa back-door ng University ay sinalubong kami ng SUV namin.

Sasakay na sana ako nang maramdaman kong may humawak sa kabilang kamay ko. "Aphrodite, you go first." wika ni Athena at sinunod naman siya nito kaya wala akong magawa kundi ang bitawan siya.

Nagtataka ko siyang tiningnan. Ngunit Isang ngiti lang ang isinagot niya sa akin. Iniwan niya akong nagtataka, dahil nauna na siyang pumasok. Sumunod si Demeter. Hinintay ko na mauna rin sa'kin sina Hera at Hestia, kaso, mas pinili nila na paunahin ako, kaya nauna na ako.

Pagka-pasok at pagka-upo ko, napansin ko kaagad ang pagbabago. Naramdaman ko na parang may kakaiba. Napabuntong hininga na lang ako at mas pinili na tumingin na lang sa bintana nang magsimula nang tumakbo ang sasakyan namin ngayon.

Dati, favorite spot nina Hera at Hestia ang pinakadulong upuan. Pero ngayon, si Aphrodite ang nakaupo doon. Nararamdaman siguro nila na gusto niya munang mapag-isa, kaya hinayaan na lang nila muna.

Ilang oras lang ay dumating na kami sa Mans'yon namin. Sa Head Quarter kami dumeretsiyo. Umakyat' naman kaagad si Aphrodite sa k'warto niya nang walang binibitawan na salita sa amin.

Susundan ko sana s'ya kaso pinigilan ako ni Athena.

"Just let leave her alone."

Isang buntong hininga na lang ang tanging naisagot ko sa kan'ya. Pinili ko na lang na umupo sa sofa at ipikit ang mga mata.

2 years ago...

16 years old ako that time. Hinihintay ko ang kapatid ko, gabi na pero hindi pa'rin siya umuuwi. She's 15 years old that time. Nasa labas ako ng Village namin, Inaantay siya. Umabot ako ng Isang oras, kaka-antay sa kan'ya. Umuulan sa mga oras na iyon, pero wala pa'rin siya, ni kahit anino wala talaga at wala 'rin'g SUV ang pumasok.

Pero pagsapit nang 11 pm. Nakita ko siya, tulalang naglalakad sa daan, basang-basa sa ulan. Hindi na ako nag dalawang isip noon na tumakbo papunta sa kan'ya. Niyakap ko siya sa mga oras na iyon. Nagtaka ako noon dahil bigla nalang siyang humagulgul ng iyak. Paulit-ulit ko s'yang tinanong kung okay lang ba s'ya, wala ba s'yang kakaibang nararamdaman, at ang sagot n'ya sa'kin, 'Okay ako Ate A! Ako pa ba?'

MM1: MAY MOON (Artemis Diana Montello Montes)✓Where stories live. Discover now