MISSION 26 (EDITED)

354 18 20
                                    


MISSION 26:














•••
•••




















Date: June 28, *****

8:05pm

Dear: Diary,

'May nakilala ako diary, mga bagong kaibigan. Taga Class A sila. Nahiya pa nga akong makipag-usap sa kanila dahil taga Class A sila. Matatalino sila. Matalino din naman ako, kung hindi ko lang napabayaan ang pag-aaral ko edi sana nasa Class A din ako diary. Kaso nangyari na, napabayaan ko na diary dahil sa pagkagusto ko sa sariling bestfriend ko...

... Nagpakilala sa'kin ang bago kong kaibigan diary na taga Class A. Ewan ko ba diary kung pangalan ba nila 'yun o nickname nila. Kasi ang ikli ng name nila eh, tatlong babae at dalawang lalake sila. Si Ate K, Li at Milly. Tapos si Kuya Cipher at X 'yung isa. Ang weird lang diary dahil nickname lang ata 'yan nila. Tinanong ko naman kung anong pangalan nila pero si X lang ang sumagot sa tanong ko diary...'

Nagsalubong ang dalawang kilay ko. K, Li, Milly, Cipher at X? Si 'K' lang yung hindi ko kilala. Baka yung si Mysterious Girl noon sa kakahuyun? Teka! Class A? At naging kaibigan din niya yung Limang Mysterious Persons na'yun? Kaya ba pati sila ay naghahanap 'din ng ebidensiya kung paano siya namatay or pinatay dahil naging kaibigan din pala nito sila?

'Pero alam ko diary na kina Ate K, Li, Milly, Cipher at X. Si Ate K at X lang yung hindi galit sa'kin. Kahit kasi hindi nila sabihin, napapansin ko diary na ayaw sa'kin nina Li, Milly at Cipher. Basta diary! Ayaw nila sa'kin...

... Naging close kami ni X diary nang isang araw lang. Naipakilala ko na'rin siya kay Sheena, Jasmine at Charline. Kaso since ayaw nga sa'kin nina Li, Milly at Cipher ay pati sina Sheena, Jasmine at Charline diary ay iniiwasan din nila. Magkapatid pala si Li at Milly diary, kinuwento sa'kin ni X. Atshaka ang gwapo din naman pala ni X pero may komokontra sa'kin diary na mas gwapo pa'rin si Darren...

... May bagong mga kaibigan,

–Mary Faith Del Monte.'


Date: June 29, ****

8:10pm

Dear: Diary,

'Akala ko okay na. Akala ko magiging masaya na ako diary dahil may karamay ako. Pero akala ko lang pala yun diary. Dahil kanina diary, nakita ko na madaming nagtutumpukan sa open field diary. Tiningnan ko kung ano 'yun at nagulat ako sa nakita ko diary, si Darren at Darelle ay nagsuntukan nanaman! Madaming umaawat sa kanila pero halos lumipad na palayo ang umaawat sa kanila. Kaya hinayaan nalang nila diary na magsuntukan ang dalawa. Lalapit sana ako diary nang pinigilan ako ni Krissy. May ibunulong siya diary na naging dahilan para hindi ko na matuloy pa na pigilan sila...

...'Look what you've done, Iyan ang ginawa mo sa magkapatid Mary. Kasalanan mo kung bakit sila gan'yan! Its your fault!' Ang sakit lang diary. Ako nanaman. Lagi na lang ako! Kaya imbis na lapitan sila diary ay tumakbo ako papuntang garden. Umupo ako sa bench diary at doon umiyak. Umiyak lang ako ng umiyak. Akala ko mag-isa lang ako doon na umiiyak diary pero may tumabi sa'kin at dinadamayan niya ako sa pag-iyak diary. Si Ate K.

Siya ang kasama ko kanina habang inilalabas ko lahat ng mga luha ko diary. Nakakahiya man pero sabi niya umiyak lang daw ako hangga't kaya ko. Nag kuwento din siya. May ikunuwento s'ya diary na hindi ko inaakala na magkukuwento s'ya. Sa pagkakilala ko kasi kay Ate K diary ay tahimik. Laging seryoso lang. Pero nang mag kuwento siya diary, nakita ko din s'ya na gusto nang umiyak...

MM1: MAY MOON (Artemis Diana Montello Montes)✓Where stories live. Discover now