MISSION 21:
•••
•••Kaya heto na ang nabasa ko na nagsimula na siyang pumasok sa ScheZinger High University. Hiniling niya din sa parents niya na sa mababang section siya ilalagay. Hindi pumayag ang mga magulang niya pero nagpumilit si Mary para lang mapapayag sila. Kaya nag-request siya na gusto niya sa Class E. Nakasulat din doon na dine-describe niya ang Class E.
Ang Class E noon ay talagang maingay na. Nasa 30 Students sila, siya ang pang Thirty. 15 Girls and 15 Boys sila. At ang adviser nila si Teacher Morena. Tss!
Unang araw niya ay wala siyang pinapansin, wala din namang pumapansin sa kanya kaya okay lang, sanay din naman siya sa mga ganito. Atshaka nangako s'ya sa sarili niya na iiwasan niyang magkaroon na kaibigan na lalaki. Baka mangyari kase sa kanya ang nangyari nang nasa ANHS pa siya. Atshaka wala na'rin pala siyang balita kung ano na ang nangyari kay Kenster. Hindi din kasi siya nagpaalam. Biglaan ang paglipat niya at wala na'rin sa isip niya na magpaalam pa. Masaya na si Kenster sa babaeng iyon kaya ano pang saysay kung magpaalam pa sa kaniya? Tss!
Sa bagong pahina ng notebook niya. Sa bagong paaralan niya, bumalik ang dating s'ya. Bumalik ang dating halos araw-araw na nagsusulat nang Diary. Sunod-sunod na kasi yung Date na mababasa ko.
Nabasa ko din na nagkaroon na siya ng mga kaibigan. Nagulat daw s'ya nang may biglang lumapit sa kanya at nagpakilala bilang si Sheena Claire Morales.
Gusto ni Sheena na makipag-friends sa kan'ya. Pumayag s'ya pero siyempre dapat alerto din s'ya. Malay niya na nakikipagplastikan pala 'to.
Ituturing niya na bestfriend niya tapos tratraydurin lang pala siya? Tss!
Pero naging close sila sa isat-isa, sabay silang kumakain during Recess at Lunch, sabay papasok, at sabay uuwi.
Nagkaroon pa ng dalawang kaibigan si Mary, si Jasmine at Charline.
Transferre noon si Charline, pumasok s'ya nang mag wa-one-week na si Mary sa University naiyun.
Napansin din ni Mary na tahimik lang si Charline sa Classroom. Alone. Parang nakikita ni Mary si Charline sa sarili niya. Kaya nilapitan niya ito at inayang maging kaibigan.
Hanggang dyan lang nabasa ko kahapon. Inaantok na kasi ako kaya natulog muna ako. At ngayon na kakatapos ko lang maligo, babasahin ko nanaman ang kadugtong.
Mamaya pa kami papasok. Sa tingin ko nanaman ay walang teacher na magtuturo. Useless lang yung pagpasok kung wala namang magtuturo. Tss!
Binuklat ko na ang Isang page na nakatupi.
Date: June 23, ****
8:05pm
Nakasulat dito na nagiging weird nanaman daw. Hindi s'ya kundi si Darren Jay ScheZinger na member nang feeling F4 ng Class E. Lately daw kasi ay parang sinusundan s'ya ni Darren, kung nasaan siya ay andoon si Darren, sa twing napapahamak s'ya ay andoon si Darren. Nandoon si Darren para iligtas s'ya. Kahit sa classroom ay nawi-weirduhan din siya. Hindi lang din sya pati nadin ang ibang kaklase nila.
YOU ARE READING
MM1: MAY MOON (Artemis Diana Montello Montes)✓
Action[ COMPLETED ] (UNDER EDITING) TITLE: May Moon Mission Class E GENRE: Mystery and Action AUTHOR: @AliceInRedribbon SYNOPSIS; Eighteen-year-old "Artemis Diana Montello Montes" is given a daunting mission by her father, the former member of the Elite...