MISSION 22 (EDITED)

205 17 4
                                    


MISSION 22:















•••
•••

















"Tara na Aphrodite."

"Hindi mo tatapusing basahin ang Diary ni Mary, Ate A?" umiling ako sa tanong niya.

Hindi ko muna tatapusin. Hanggang doon muna ako sa nalaman ko na may gusto si Darren kay Mary. Late na kasi kami, matagal-tagal din kami sa Dorm at mas'yado pang mahaba ang babasahin ko. Mamaya na muna. Gutom na'rin kasi kami kaya kakain muna kami bago pumasok.

Hindi pa man kami nakakapasok sa Cafeteria nang may marinig akong sigaw na tinatawag ang pangalan namin ni Aphrodite. Napalingon kami sa gawing iyon na kung saan ay tumatakbo papunta sa gawi namin sina Sheena, Charline at Jasmine.

Nagsalubong ang kilay ko dahil hinihingal sila nang makalapit sa amin. Wala munang magtangkang nagsalita hangang hindi pa nawawala ang pagod nila.

Kung titingnan ko, sa tingin ko ay kanina pa nila kaming hinahanap.

"S-sa wakas, n-nandito na'rin kayo. Kanina pa namin kayo... kayo hinahabap..." hinihingal pa'rin na wika ni Jasmine.

So tama nga ako. Tss! Pero bakit?

"Tara May at Dite. Pasok tayo sa Cafeteria."

Napakurap lang ako ng tatlong beses.

Iyon nga ang gagawin namin kung hindi kayo dumating at isinigaw ang pangalan namin. Tss!

Tinanguan ko na lang siya bilang pagtugon at hinayaan na maunang pumasok. Sila na'rin ang naghanap ng mauupuan at talagang sinadya ni Sheena na piliin ang table malapit sa table ng mga Limang Mysterious Persons na.

Kahapon 3 Girls and 1 Boy lang sila. Pero ngayon may dumagdag sa kanila na isang lalako. Siya siguro iyong 'Cipher' na tinatawag nila. Tss!

Wala naman din kaming nagawa ni Aphrodite kundi ang umupo na lang. May isang table sa pagitan bago ang table ng mga mysterious persons. Siyempre, hindi nakaligtas sa akin ang kakaiba nilang mga tingin. Hindi ko nga lang mabasa kung ano iyon dahil magaling silang magtago ng emotion. Pero kahit anong tago nila may ilan akong nakikita pero hindi ko nga lang alam kung ano iyun.

Napakahirap ipaliwanag.

Tatayo na sana ako para bumili nang pinigilan ako nina Jasmine at Charline. Sila na lang daw ang mag order at sasabihin ko nalang kung ano ang gusto ko. Walang gana kong sinabi ang gusto ko saka bumalik ako sa pagkaka-upo.

Katabi ko si Aphrodite at nasa harapan ko si Sheena. Blanko kong pinagmasdan si Sheena. Alam kong may iba pang pakay ang tatlong magkakaibigan na ito maliban sa pag-yaya na sabay kaming kakain.

Tss! Basang-basa ko eh.

Kilala ko si Sheena. May alam ako konti sa mga ginagawa at ugali niya. Kinakagat-kagat niya ang pang ibabang-labi niya kapag may pinipigilan siyang ilabas mula sa bibig niya. Alam kong may gusto siyang sabihin pero hindi ko alam kung bakit ayaw niyang sabihin. Nilalaro naman niya ang mga daliri niya kapag kinalabahan siya. At ganoon ang ginagawa niya ngayon sa harapan ko habang inaantay namin sina Jasmine at Charline.

MM1: MAY MOON (Artemis Diana Montello Montes)✓Where stories live. Discover now