MISSION 27:
•••
•••Makikita mo ang Mas'yon ng mga Montello Montes Family.
Isa sila sa pinakamayaman sa Mindanao. Dito lang sila kilala, dahil ayaw nila na makilala sila ng buong bansa, delikado kapag mas'yadong maraming nakakakilala sa'yo'. Dahil kapag mayaman ka, mataas ang tingin sa'yo', ngunit hindi lahat ay nirerespeto ka. Dahil sa isip nila, magagawa mo ang gusto mo dahil sa mayaman ka, marami kang pera, kaya mong Gawin. Kahit mag-kasala ka pa, kaya mong paikutin ang lahat, gamit lang ang pera mo.
At Isa 'yan sa ayaw ni Papa. Ayaw niya na ganoon ang tingin sa kaniya ng lahat.
Pero kahit na kilala ang pamilya namin sa buong Mindanao, marami pa'rin silang hindi alam tungkol sa mga nasasakupan nito.
The Montello Montes Family Secrets...
Wala pang nakakakilala sa mukha ng mga anak ng mga Montello at Montes. Hindi nila alam kung may mga anak ba sila or wala. Hindi ko alam ang dahilan, pero napatanong ako, ano naman kung may makakakilala sa amin? Tss! Mas mabuti na'rin 'yun na ganito, dahil hindi kami pinag-uusapan. Walang nakakakilala.
Huminto ang SUV sa tapat ng Mas'yon. Bumaba kaagad kami ni Aphrodite. Hindi kami dumiretsyo sa loob, lumiko kami at tumungo sa HQ. Pagka-pasok pa lang namin ay nandoon na sila sa loob. Naka-upo sa mga upuan at mukhang hinihintay kami.
Ngunit napansin ko kaagad na wala si Demeter.
Nagsalubong ang dalawang kilay ko nang wala akong makitang Demeter. Tumingin ako sa kusina, kaso wala naman'g ingay. Tumingin ako sa itaas, wala din akong nararamdamang ingay. Nasaan si Demeter? Ito ata ang unang pagkakataon na wala siya sa tuwing may pag-uusapan kami dito.
"So," boses ni Athena.
Umupo kami ni Aphrodite sa mahabang sofa. Inilabas ko ang briefcase na nasa loob ng shoulder-bag ko.
"What's the new plan?"
Mission: S*x Room.
New Plan,
'Mary Faith Del Monte's Death...
Find the Culprit...'
...
...7:30 pm na nang maibaba kami nang SUV sa tapat ng University na pinapasukan namin. Naunang pumasok si Aphrodite. Kailangan kong mag-antay ng fifteen minutes bago pumasok.
Tapos na ang usapan namin kanina. Napagplanuhan ko na ang susunod na gagawin—nang walang Demeter na nagpakita. Kahapon sa meeting ay wala talaga siya kaya nagtanong na ako kay Athena, sinagot niya naman ako na may Importante daw siyang gagawin ng hating gabi kaya hindi muna siya makakasali. Tss!
Pero mission ko naman ito, Hindi na ako nagreklamo. Kung ano man ang ginagawa ngayon ni Demeter, okay lang. Hindi Ako interesado. Tss!
Mission ko ito kaya ako ang gagalaw. Kagaya nga ng sinabi ko nung una, manonood lang muna sila, at hindi sila gagalaw hangga't walang nangyayaring masama sa akin.
YOU ARE READING
MM1: MAY MOON (Artemis Diana Montello Montes)✓
Acción[ COMPLETED ] (UNDER EDITING) TITLE: May Moon Mission Class E GENRE: Mystery and Action AUTHOR: @AliceInRedribbon SYNOPSIS; Eighteen-year-old "Artemis Diana Montello Montes" is given a daunting mission by her father, the former member of the Elite...