MISSION 24 (EDITED)

213 17 2
                                    


MISSION 24:


















•••
•••





















Pagka-pasok pa lang namin sa Classroom ay parang may iba na akong naramdaman. Iba ang nakikita ko sa mga mukha ng ibang kaklase ko. Ang iba ay salubong ang mga kilay, ang iba naman parang wala sa sarili, ang iba nakayuko lang, habang ang iba, ayun nagsimula nanaman gumawa ng milagro. Pero iilan lang sila.

Nakakapagtataka. Problemado na. Hindi kaya tungkol 'to sa nawawalang gamit ni Mary Faith Del Monte?

Pagka-pasok pa lang namin sa loob ay halos napalingon silang lahat sa gawi namin. Tahimik na nga sila ng nasa pintuan pa kami, pero mas lalong tumahimik ng tuluyan na kaming makapasok.

Mahihiya ang langaw na dumaan sa classroom namin. Tss!

Umupo ako ng hindi sila tinitingnan. Blanko lang ang expression sa mukha ko. Pero ang isip ko ay maraming mga katanungan.

Kung kayang nabago ni Mary Faith Del Monte ang Class E noon, ako kaya? Kaya ko din kaya?

Hindi ko malalaman kung hindi ko susubukan.

May napapansin na'rin kasi ako na ilang nagbago na. Siguro konting galaw ko na lang ay tuluyan na nga silang magbago. Kaya kailangan ko lang malaman ang nangyari sa nakaraan!

Kahapon lang natapos ang Day 2 Bloody Athlete Game. Kahit Lima lang ang lalaki na natira sa kanila ay nagawa nilang ipanalo lahat ng Challenge. Panalo sila sa lahat pero may iba din na sa Class E ay bagsak. May nakikita din ako sa ilang kaklase ko dito sa Class E na may band-aid pa ang mukha, mahina pa'rin ang iba, pero nagawa nilang pag-usapan ang tungkol sa pagkawala ng gamit ni Mary Faith Del Monte. Alam kong wala silang ideya kung sino ang kumuha dahil sinisiguro ni Athena na naka hacked yung Cctv nila that time. At ang ilang nakaharap din namin ay hindi kami nakita.

Naramdaman kong nag vibrate yung cellphone ko sa loob ng Skirt ko. Palihim ko 'yung inilabas. Nakita ko ang message ni Demeter.

'Artemis. Ihanda niyo ang sarili nyo.' Nagsalubong ang dalawang kilay ko sa nabasa ko. May sumunod pa kaya binasa ko 'yun. 'May nakabangga ako. Hindi ko siya kilala pero iba ang nararamdaman ko sa kanya.'

Kilala ko si Demeter. At gaya nga ng sinabi ko malakas ang pakiramdam niya. Kapag may peligrong darating nararamdaman niya. Psychic ata to si Demeter. Tss! 'At papunta siya sa building niyo.'

"Jaayyy!!!" agad napaangat ang tingin ko sa sumigaw ng 'Jay!!!'.

Isang babae ang tumatakbo papunta sa pinakadulo ng classroom. Umaabot hanggang braso ang haba ng buhok nito. Black colored hair na may pinaghalong brown.

Mas lalong nagsalubong ang kilay ko ng patakbo siyang pumasok sa loob ng Classroom namin sabay lapit kay Darren Jay ScheZinger. "Na miss kitaaa!"

Pinasadahan ko siya ng tingin. Nakasuot s'ya ng Cardigan Dress. Rebonded ang colored black with brown highlights hair niya na hanggang braso ang haba. Naka heels siya na five Inches ang taas. Tss!

"Krissy! What the h*ck are you doing here?!" pigil na sigaw ni Darren sa kanya.

Bakit parang nakikita ko sa mga reaction ng kaklase ko na ayaw nilang makita ang babaeng kakapasok lang? Lalong-lalo na ang mga tingin nina Sheena, Jasmine at Charline? Galit na galit. Para bang may nagawang kasalanan ang babae ito?

MM1: MAY MOON (Artemis Diana Montello Montes)✓Where stories live. Discover now