MISSION 10 (EDITED)

272 13 1
                                    

MISSION 10:














•••
•••














Umupo muna ako sa isang empty table, palihim kong inilabas ang cellphone ko. Hinanap ko ang pangalan ni Athena sa contact ko.

'Athena... Paki check kung may masamang nangyari ba kay Sheena Claire Morales this past few days?' sinend ko kaagad iyon sa kaniya.

Titingnan niya lang yung Cctv na inilagay ko pati na'rin yung bugs. Kaya siya na bahala kung ano na ang gagawin niya.

Sabay-sabay kaming Lima kumain. Dito sa Cafeteria ay masyado nang luma ang mga kagamitan. Hindi na siya katulad 'dun sa Main Area ng Cafeteria na halos completo ang mga pagkain. Dito kase, ang cafeteria na ito ay para lamang sa mga Class E. At kasali na kami 'doon.

Class E na kami ni Aphrodite eh. Tss!

Masayang nag-uusap sina Aphrodite, Charline at Jasmine. Na a-out-of place naman si Sheena kaya pinipilit ni Aphrodite na maisali siya. Hindi naman siya nabigo dahil nakikita kong tumatawa na siya.

Ako nalang ang natitirang tahimik. Sinubukan 'din naman akong isali ni Sheena sa usapan kaso pinagtanggol na ako ni Aphrodite na hindi ako mahilig makipag-usap. Hanggang dinig nalang ako.

Sinamaan ko naman si Aphrodite nun ng tingin.

Nahahalata kasi sa boses niya na parang andami niyang alam sa akin. Baka magdududa sina Sheena at Jasmine. Pati na'rin si Charline. Nag peace sign lang siya sabay ngiti. Yung ngiti niyang parang cute.

Maganda si Aphrodite. Cute, kasi medyo chubby cheeks siya. Naka highlights Red ang ilang hibla ng buhok niya, hanggang balikat niya ang haba nito. Suot na'rin ni Aphrodite ang uniform niya. Naibulong niya sa akin kanina na kinuha niya iyon sa Dorm ko na magiging dorm na 'rin niya.

MATAPOS naming kumain ay hindi na kami pumasok ulit sa Classroom. Si Charline ang nag suggest dahil muka 'daw wala namang teachers ang papasok. Saka hindi na 'rin niya kaya pa ang nagaganap na kababalaglan doon. Nagtawan sila sa sinabi ni Charline. Ako ay minsan napapangiti ng tipid. Halos nagiging close na silang Apat. Ako lang tahimik sa gilid nila.

Nag kan'ya-kan'ya kami nang uwi sa dorm. Kasabay ko si Aphrodite.

Nalaman ko na magka dormate sina Charline at Jasmine, kaya pala mukang close sila nang makita ko silang nag-uusap sa Cafeteria. Para bang close sila sa labas pero sa loob ng Classroom, tahimik sila, pinipigilan nilang maging close sa isat-isa kapag nasa Class E Room sila.

Tss.

Si Sheena ang naiiba sa amin. Wala siyang ka dormate. Kaya doon napukaw ang curiosity ko na alamin kung may nangyari na nga ba sa kaniya.

Binagsak ko kaagad ang sarili ko sa kama. Sabay pikit ko sa mga mata ko ay iniisip ko nanaman ang Bloody Athlete Games nila.

Bloody... Ibigsabihin, duguan?

Athlete... A person who is trained in or good at sports, games, or exercises that require physical skill and strength...

Duguan ang laban ng mga atleta sa mga sports? Ganun? Then bakit may Game sa sa huli? Tss!

MM1: MAY MOON (Artemis Diana Montello Montes)✓Where stories live. Discover now