MISSION 20 (EDITED)

216 14 5
                                    

MISSION 20:














•••
•••














"Ipagpatuloy mo pa'rin ba ang pagbabasa Ate A?" tanong ni Aphrodite. Kakalabas niya lang ng Bathroom. Tumango na lang ako sa tanong niya.

Kinuha ko ang Diary na nakalagay sa tabing kama ko. Nakita ko ito kahapon sa pulang briefcase na kinuha nila doon sa bahay sa gitna ng kagubatan.

Ligtas kaming nakabalik kahapon dito sa Dorm. Pinabalik na'rin namin si Sheena. Pinapaliban ko na muna ang mga namumuong tanong sa mukha niya. Kailangan na'rin kasi naming makabalik agad-agad kahapon para hindi na kami maabutan pa. Kaya mabuti na lang at ligtas kaming nakabalik kasama siya. Pinauna na'rin namin si siya kahapon sa dorm niya Bago kami naman ni Aphrodite ang palihim na bumalik sa dorm namin.

Hindi na sumama pa si Demeter. May pupuntahan pa daw s'ya. Kaya ibinigay niya nalang sa akin ang dala niyang briefcase. Napansin ko na dalawa ang kahon. Malaki ang pula, at sa loob nito mayroon pa pa lang kulay green na kahon sa loob, at na kay Aphrodite iyon. 

Pagkadating pa lang namin dito sa dorm ay binuksan kaagad namin ni Aphrodite ang dalang briefcase namin. Sa Green ay naglalaman ng ibat-ibang papers, like Birth-Certificate, Backgrounds Informations, Pictures na nasa maliit na enveloped. ETC. At ang lahat ng iyon ay naglalaman at tumutungkol kay 'Mary Faith Del Monte' lahat ng nakalagay doon sa Green na briefcase ay mga Informations tungkol sa kanya.

Kaya pala konti lang ang nahanap ni Athena nang inutusan ko siya na bigyan ako ng ilang background information tungkol kay Mary Faith Del Monte. Prinint-Out na pala saka ibinura lahat ng makikita naming ilang info.

Kaso ang ipinagtataka ko, bakit hindi nalang pala lahat ibinura? Tss!

May naalala ako. Kahit ibura mo pa lahat ng naglalaman mong information ay may ilan pa'rin na matitira. Hindi lahat nabubura dahil hindi lang nag-iisa ang may copy nun. Nagawa mo ngang ibura pero hindi mo alam na ang ilang magagaling sa mga computer ay gagawa ng paraan para makita ang ilang copies nun. Tss! At iyon ang ginawa ni Athena. Pero hindi nga lang lahat nakuha niya. Pero at least din ay may alam na kami. Tss!

Sa Green Briefcase ay naglalaman lang ng Information tungkol kay Mary Faith Del Monte. Pero nang buksan ko ang Red Briefcase kahapon nakita ko ang lahat ng gamit ni Mary Faith Del Monte, yung School Supplies niya. Alam na alam ko na sa kanya iyon dahil lahat nang iyun ay may pangalan niya nakalagay.

Nandoon din yung ID niya at isa talaga s'ya sa studyante ng Class E noon. May nakita din kami ng ilang mga gamit pa. Pero ang mas nahagip ng mga mata ko ay isang Diary Notebook. Malalaman ko kaagad dahil nakaukit mismo sa harapan ng Purple Notebook na 'My own Diary' with mga flowers-design pa.

Si Aphrodite na ang nagligpit sa dalawang briefcase. Itinago niya. Pero naiwan sa akin ang Diary Notebook. Kaya hindi na ako nagdalawang isip na pakialaman iyon.

Diary ni Mary Faith Del Monte.

A notebook in which you write down your personal experiences and thoughts each day. Ibigsabihin ay lahat ng experience ni Mary Faith Del Monte sa buhay niya ay sinusulat niya.

Kaya may mababasa ako dito na dahilan kung pa'no o ano s'ya ng Class E. Alam kong hindi lang s'ya isang simpleng studyante na pangarap na makapagtapos lang ng pag-aaral kundi may mas malalim pa doon.

MM1: MAY MOON (Artemis Diana Montello Montes)✓Where stories live. Discover now