MISSION 53 (NEW)

9 1 0
                                    










MISSION 53:













•••
•••















Kenster...

Kung totoo man ang hula ko na nagkita nga sila, ibigsabihin lang, siya ang rason ngayon kung bakit nandito na sa Mans'yon si Aphrodite.

Hindi ko alam kung anong ginawa niya. Pero malalaman ko din. Someday. Tss!

"Ngayon mo na po ba sasabihin sa'kin Ate D?" rinig kong tanong ng kapatid ko.

Gusto ko man sumilip, pero hindi ko ginawa. Gustong-gusto kong pumasok at alamin kung talaba bang umiiyak siya ngayon, kung talaga bang nasasaktan siya ngayon. Gusto kong makita, pero, nandiyan nanaman si Demeter sa loob, kaya okay na ako doon.

At least may kasama siya. Hindi siya nag-iisa.

"10 Months ago. May isang lalake at babae na ipinagtagpo. Unexpected ang pagkikita nila., biglaan lang. Dahil ang sadya ng babae sa pamilya ng lalake ay babantayan lang ito. Inutos ng papa sa babae na bantayan ang pamilya ng lalake. Isa itong mission na ibinigay sa papa ng babae."

Pinagkrus ko ang mga braso ko. Nagkukuwento ba si Demeter? Mukhang nagkukuwento nga siya. Pero bakit niya naman ginagawa 'yan ngayon? Bakit nagkukuwento siya? Anong meron? Kailan pa siya nahilig sa kuwento? At mag Storytelling?

"Kaso, hindi alam ng babae na bulag pala ang lalake. Kaya inutos ng papa sa babae na bantayan ang buong pamilya nila dahil maliban sa may gustong pumatay sa kanila ay bulag din ang lalake. Hindi nakakakita."

'10 Months ago...'

May Isang babae at lalaki ang ipinagtagpo, pero unexpected 'yun. Dahil Isang mission lamang ang pakay ng babae—ang mission na bantayan ang buong pamilya ng lalaki.

Isang mission...

Saan naman nakuha ni Demeter ang kuwentong 'yan?

"Naging tagapagsilbi sa Mans'yon ng lalake ang babae. Una, hindi sila nagkakasundo, para kasing pinaglihi sa full moon ang lalake. Samantalang ang babae naman ay puro reklamo." Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Demeter. "But in the end, na realized ng babae na may kabaitan din pala si Lalake. At doon na nagsimulang magbago ang mundo nilang dalawa. Nagkamabutihan na sila. Masiyahin na'rin ang lalake. Nagsimula na itong bumalik sa dati. Habang tumatagal mas napapalapit ang babae sa lalake. Minsan ay hindi naiintindihan ng babae kung bakit ganun nalang kung mag-alala si lalake kapag wala siya. Pero sa huli, nalaman ng babae ang dahilan."

Bakit parang nagkaroon ako ng interest sa kinukuwento ngayon ni Demeter?

"Hindi siya t*ng* para hindi ito malaman. Parang nakalimutan na nga ng babae na isa palang mission ang sadya n'ya. Hindi alam ng lalake na isang mission lang ang pagdating bigla sa buhay niya ng babae."

Hindi alam ng lalaki na Isang mission lamang ang pakay ni babae.

Hindi ko napigilan na e compare siya sa status ko ngayon.

Kagaya nang nasa kuwento ni Demeter, Isang babae ang may mission, kagaya ko. Kaso ang pinag-kaiba, ay ang babae sa kuwento niya ay ang mission ay bantayan ang buong pamilya ng lalaki. Samantalang ang mission ko ay ibalik sa dati ang Class E.

Unexpected ang pagkikita ng babae at lalaki, hindi din magkakasundo. Ganun din naman ang pagkikita namin ni Kuyang Class D. Tss!

"Hangang sa," Ilang segundo ang lumipas bago ko narinig ang kadugtong. "Hanggang sa tuluyan na ngang dumating ang panahon na aatake ang mga kalaban para patayin ang pamilya ng lalake. Nagtagumpay ang babae na protektahan ang pamilya ng lalake. Nagawa niya itong mailayo. Kaso may kapalit."

MM1: MAY MOON (Artemis Diana Montello Montes)✓Where stories live. Discover now