MISSION 19:
•••
•••Kinuha ni Demeter ang makapal na tali niya sa loob ng dala niyang color blue shoulder bag. Kapag usapang Demeter din, Girl-Scout 'to. Tss! Halos completo lahat ng dala na gamit.
Patalikod na pinatabi namin ang tatlo saka namin sila tinalian. Mabuti nga may dalawang packing tape 'tong babeng ito, girls scout talaga. Tss!
Si Aphrodite ang nag tape sa mga bibig nila. Sa kapal ng pagkaka tape niya ay hindi nila iyon matatanggal. Isali pa na tinalian namin ang mga kamay nila patalikod at mga paa.
Pinagpatuloy na namin ang paglalakad. Nandiyan pa'rin si Athena sa kabilang linya. Kung titingnan mo ay wala akong gana, parang hindi interesado pero sa kaloob-looban ko ay excited ako dahil sa gagawin namin ngayon. Tss!
"There you go." wika ni Athena.
Unti-unti kaming may naaaninag na simpleng bahay sa malayo, made of woods. Hindi mas'yadong kalakihan, maraming mga bulaklak ang nakapalibot sa buong bahay.
"Iyan na ang bahay na sinasabi ko."
Tumango ako kahit alam kong hindi naman iyon makikita ni Athena. Pero makikita niya siguro dahil naka open sa kan'ya ang video-camera ng thick-glasses ko.
Napahinto ako nang may mapansin akong kakaiba. Alam kong napansin din iyon ni Demeter at Aphrodite. Hindi pa kami nakalabas ng kakahuyan pero sapat na mula sa p'westo namin para maaninag ang bahay na iyon.
May ilan kasi kaming nakikitang mga tao na nagbabantay. Bakit may mga guwardiya dito? Kaninong bahay ba ito at ganoon na lang kung makabantay? Tss!
"Five Guards." May narinig akong tipa ng keyboard sa kabilang linya. "Can you knock them down?"
Nagkatinginan kami ni Aphrodite sa tanong niya. Sinabi naman ni Aphrodite kay Demeter ang sinabi ni Athena sa amin.
"I guess the answer is Yes. Tsk!"
Sabay kaming tatlo na napangisi.
Lima lang 'yan Athena. Alam kong alam mo na lagpas lima ang kaya naming talunin. Tss!
Aatake na sana kami ng palihim mula sa likuran nang mga Gwadiya na iyon nang may kakaiba nanaman kaming tunog na narinig. Hindi tunog hayop ang naririnig namin. Nagmula ang mga ibat-ibang boses sa may medyo malalayong gilid namin.
Nilakad namin yun tatlo at nang makita ko kung anong meron ay parang gusto kong kunin ang kutsilyong naka-ipit sa loob ng Black-Boots ko at itapon iyon sa mas masahol pa sa hayop. Hindi nga hayop ang narinig namin dahil mas masahol pa pala sa hayop ang nandito. Tss!
"P-please... H-hu-wag... B-bitawan niyo ako!... Please..."
Si Sheena! Pilit na nagmamakaawa at pilit na umiiwas sa lalaking nasa harapan niya na mukang may balak na talagang gahasahin siya.
"Kahit anong pilit na pagmamaka-awa ang sasabihin mo Sheena... Hindi kami naaawa sa'yo'."
"Oo... Ang tagal namin tong hinintay... Sa wakas... Mahahawakan ka na'rin namin."
YOU ARE READING
MM1: MAY MOON (Artemis Diana Montello Montes)✓
Action[ COMPLETED ] (UNDER EDITING) TITLE: May Moon Mission Class E GENRE: Mystery and Action AUTHOR: @AliceInRedribbon SYNOPSIS; Eighteen-year-old "Artemis Diana Montello Montes" is given a daunting mission by her father, the former member of the Elite...