MISSION 48:
•••
•••Sabay naming tinahak ni Aphrodite ang daan papasok sa Venue. Sa labas pa lang ay may naririnig na akong tunog na musika. Nang nasa entrance na kami, huminto si Aphrodite at may ibinigay na dalawang card sa nagbabantay, sa tingin ko isa itong Invitation Card.
Teka,
"Tara na Ate A."
"Bakit Ikaw lang ang mayroong ganiyan?" mahina kong tanong at sumunod na sa kan'ya.
"Surprise!" Nakangiti niya akong hinarap, kaya paatras siyang naglakad. "Nagulat ka ba Ate A?"
"Hindi." sagot ko. Palihim na bumaba ang mata ko sa paanan niya, binabantayan na baka matumba siya dahil sa suot niyang floral blue dress.
Sumimangot siya. "Halata naman." at humarap na ulit sa harapan.
Nang makapasok na kami, ay pinagmasdan ko ang boung paligid. The venue of the Garden Orchid's typically features elegant decor, such as floral arrangements, crystal chandeliers, soft lighting, and tasteful furnishings, creating a sophisticated atmosphere. May spacious dance floor sa gitna na kung saan may ilan akong nakikitang sumasayaw na doon, at maraming mga tables din sa mga gilid, kasali na doon ang mga pagkain na naka display.
"Ate A!" bigla niya akong hinawakan sa palapulsuhan at hinila. Nagpahila naman ako at sumunod sa kan'ya.
"Dite! Dito! Dito!"
Agad akong napatingin sa gawi na kung saan may mga familiar na boses ang sumisigaw. Nakita ko sa Isang mahabang table ang Ilan sa mga Class E, naka-upo ang iba samantalang nakatayo lang ang iba. Malakas ang music, pero mas malakas ang boses nila. Tss!
Nang makalapit kami ay lahat sila ay nasa amin na ang paningin. "Wow! New look! Hindi kami sanay."
At ngayon, masasabi ko na talaga na nakalimutan ko ang event na meron ngayon. Tss! Months ago, bago mag Christmas break, ay e-announce ng Principal na may magaganap na Senior High Prom Night. Ibigsabihin, lahat ng nandito ngayon, ay nasa Senior Year na. Isa itong event na may dalawang purposes.
First, is to celebrates the academic achievements of students who are nearing the completion of their senior year 12 education. It's a way to acknowledge their hard work and dedication over the years. And second, it provides an opportunity for students to socialize and strengthen bonds with their peers. It's a chance for classmates to come together and enjoy each other's company in a formal setting outside of the classroom.
"Hindi namin kayo nakilala kung hindi dahil kay Sheena." wika ng Isa.
"Naku! Kayo talaga. Maganda naman pala kayo kapag walang suot na glasses. Bakit ba kasi mas pinili niyong mag mukhang nerd sa paningin namin ha?"
"Ano ka ba April! Para iwas rape—" sinapak siya ng Isa. "Arayy ko naman Butterly! Sakit mong manapak ah!"
"Ikaw kase eh! Move-on na bes! Past is past. Naalala mo ang sinabi ni May noon? Do not dwell your memory in the past. Focus your self in a Present Time and dream on your future. Oh see! Naalala ko pa."
"And speaking of May..."
Halos sabay-sabay silang lahat na napatingin sa'kin. Pinasadahan nila ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Ako naman ay nananatiling salubong ang dalawang kilay.
"Nakalimutan niya talaga ang araw ngayon."
Kinonutan ko lang siya ng noo. Oo na! Nakalimutan ko na. Tss! Hindi naman kasi ako interesado sa mga ganito.
YOU ARE READING
MM1: MAY MOON (Artemis Diana Montello Montes)✓
Action[ COMPLETED ] (UNDER EDITING) TITLE: May Moon Mission Class E GENRE: Mystery and Action AUTHOR: @AliceInRedribbon SYNOPSIS; Eighteen-year-old "Artemis Diana Montello Montes" is given a daunting mission by her father, the former member of the Elite...