Chapter 37
Alive With You
"Kung alam ko lang na gigising ako nang ganito araw-araw, hindi na ko babangon pa..."
Naramdaman kong hinahaplos ni Kit ang buhok ko, nakahiga ako sa kanyang dibdib, nakapulupot ang aking braso sa ibabaw ng tiyan niya.
Ang tanging nagtatakip lamang sa'min ang kumot ng kama niya. Niyayakap kami ng sinag ng araw mula sa bintana niyang nadadapunan ng alikabok. Napagmamasdan ko pa ang lumulutang na mga alikabok sa hangin at sa liwanag hanggang sa tumama ang aking mga mata kay Mordecai na kanina pa palang nakangiti sa'kin.
"Matulog ka pa, gagawan pa kita ng breakfast," sabay hinalikan niya ang noo ko.
"Ayoko na matulog, nawala antok ko nang makita kita," lumapad ang ngiti niya sa sinabi ko bago niya ko hinalikan sa labi.
"'Wag mo akong kakalimutan, Cove..." bulong niya. Tiningnan ko siya nang maigi, kahit nakangiti siya pero ang mga mata niya nanlulumo.
"Bakit mo sinasabi 'yan?"
"Kasi walang tao sa buhay ko ang nagmamahal sa'kin. Ikaw lang ang bukod-tangi na magpapaalala na nandito ako sa mundo. I am alive with you."
Ang bilis lang pala lumipas ng pagsasama namin dalawa. Akala ko habang-buhay na kaming ganito, ang magkasama nang mapayapa hanggang sa nakarinig ako ng malakas na bagsak mula sa loob ng bahay ni Kit.
Agad kaming napabangon ni Kit at nagbihis nang mabilisan. Isa na naman kalampag ang nagpagitla sa'kin. Nang masuot ko ang t-shirt, pants, at sapatos ko, nagulat na lang ako nang makita ko na suot na ni Mordecai ang hoodie at pantalon niya na gano'n kabilis lang.
"Kit!" sigaw ng matandang lalaki mula sa kusina.
"Kit, sino 'yon? Anong nangyayari?" tanong ko sa kanya pero bago pa siya makasagot, malakas na pagbukas ng pinto ang dahilan kung bakit napatingin kami sa likod namin.
Sa pinto ng garahe na kumokonektado sa kusina nila, isang malaking matandang lalaki ang nakatayo sa pintuan. May hawak siyang gin sa kaliwa niyang kamay at belt sa kabila. Halos nangalahati na ang gin niya at mukhang hindi lang itong bote ang ininom niya mula sa amoy ng alak na nanggagaling sa kanya.
"Nak, ilabas mo 'yan babae mo, mag-uusap pa tayo," utos ng lalaki na alam ko na kung sino, ang tatay niya.
"Ano na naman ba nagawa ko?" ngayon ko lang nakita si Kit na dumepensa nang ganito.
"Gusto mong gawin ko sa harap niya ang balak kong gawin sa'yo?" hamon ng tatay niya. Bumibilis ang pintig ng puso ko dahil sa tensyon na namamagitan sa dalawang mag-ama.
"Ihahatid ko muna siya sa sakayan," nag-iba ang ekspresyon ni Kit. Nakasimangot ito at namumutla ang mukha niya, maski ang kamao niya'y nakakuyom nang mahigpit.
"Bilisan mo, bago ka umuwi, bumili ka pa ng tatlong gin."
Tahimik akong hinatid ni Kit papunta sa sakayan ng tricycle. Siya na rin ang nagbayad ng pamasahe para makauwi ako.
"Kit, please tell me what's wrong," I pleaded him again but the entirety of our walk was Kit being silent despite me asking questions. Ayoko rin siya i-pressure pero nakakakaba lang ang pwedeng mangyari kung hindi niya ko sinasabihan ng problema niya sa kanyang tatay.
"I'm sorry," iyon lang ang nasabi niya bago siya umalis at tumawid sa kabilang kalsada.
Ayoko siyang pilitan at i-pressure pero kahit hinihiling ko rin siya na magsalita o magbigay man lang ng payo na pumunta sa awtoridad kapag inaabuso siya, hindi siya sumasagot.
BINABASA MO ANG
Golden Ceremony
Mystery / Thriller365 students. 2 rules. If you lose the game, you will die. If you win, you get millions in return. I want to be free but the only way for me to escape is playing a game where our lives are on the line. *** On the day of their graduation, Cove Molina...