Chapter 43
Melt Down
"Are you crazy, Cove?!"
Hindi sila makapaniwala sa narinig nilang plano. Bakas sa kanilang ekspresyon ang halu-halong emosyon, nanlaki ang kanilang mga mata at napasinghap naman ang ilan sa kanila.
"Hindi lang nasa bote ang bomba kundi nasa jacket din natin," dugtong ko pa.
"Huh? Hindi ba tayo masusunog kapag ginawa natin ito?" tanong ni Nathaniel, nakasandal ang kanyang kamay sa ibabaw ng table tiles.
"Not unless nilagyan natin ng flame resistant chemicals ang inner clothing natin."
"Cove, this is too risky. Let's say gumana ang plano mo, paano kung hindi bomba ang makakasakit sa'tin kundi ang consequence nito?" tanong ni Lothaire. Napaisip ako nang malalim sa sinabi niya.
"I'd rather take the risk," desidido kong sagot bago ko pinunit ang upper part ng jacket para magkaroon ito ng pouch.
"Kung pati jacket ang ilalagyan natin, how can you be sure it won't burn us?" sinuri ni Nathaniel ang ginagawa ko.
"Hindi naman buong jacket ang papaliyabin natin, 'yung nasa labas lang nito."
I'm able to put a bunch of the chemicals we mixed in the middle layers of the jacket. The good thing about this, mas makapal ang tela ng jacket sa inner layer nito, ito ang parte kung saan nakadikit na ito sa balat namin.
"I like your plan, but what if it goes wrong? What do we do?" tanong ni Oslo, nakaupo sa stool ng chemistry room.
"Honestly, hindi ko alam. I guess we figure it out along the way," aksidente kong natabig ang chemical bottle kung kaya't natapon ang kemikals nito sa ibabaw ng table tiles. I grunted before putting the chemicals back in the bottle using a safety glove.
"Cove..." naramdaman ko ang kamay ni Enid na humawak sa braso ko. Huminto ako sa ginagawa ko para tingnan siya sa mga marahan niyang mata. "Sigurado ka ba talaga na ito ang paraan para makakatakas tayong lahat?"
Napalunok ako nang bahagya atsaka tumango sa kanya.
"I want to hear it from your own words, Cove."
Tumingin ako nang diretso sa mga mapanuri niyang mata.
"Walang kasiguraduhan but I'm willing to put my life on the line just for us to see our chance of escaping. After using our loved ones as hostages in a game, dito ko napagtanto na ayoko nang iasa ang aking kapalaran sa ibang tao."
She heaved out a sigh, "Kung gano'n na nga, magtitiwala ako sa'yo."
"Pero, Enid!" napatayo na si Oslo mula sa stool para lapitan siya. "Delikado itong plano! Paano kung masaktan ka before or even after the plan succeeds or fails?"
"Hindi lang ako nagtitiwala sa plano ni Cove kundi sa kanya. May tiwala ako na kaya niya tayong palayain."
Napangiti ako sa naging sagot ni Enid. Her trust in me gave me all the motivation I need to pursue this.
"They are watching us 24/7!" sabay tinuro ni Oslo ang CCTV. "How can we get away from them?! Hindi rin natin alam kung hahayaan lang nila itong matuloy!"
"Because we're in their game right now and they won't interfere unless we broke their rules."
"One of those rules, trying to escape is punishable by death," tugon ni Lothaire.
BINABASA MO ANG
Golden Ceremony
Mystery / Thriller365 students. 2 rules. If you lose the game, you will die. If you win, you get millions in return. I want to be free but the only way for me to escape is playing a game where our lives are on the line. *** On the day of their graduation, Cove Molina...