Chapter 39

0 0 0
                                    

Fousheé - paper plane

***

Chapter 39

Burning Cigarette


Nilibot ko ang mga teacher's desk sa paligid namin. Nang makarating ako sa desk ng propesor ko, inangat ko ang class picture namin na kasama siya.

Professor Sharp...

Siya ang nagturo sa'kin at umintindi ng pagkukulang ko sa klase para makapasa ako sa mga kahinaan ko na subjects. Kaya hindi ako makapaniwala na isa siya sa mga tao na bumaril sa mga top students.

Nasasaktan lang ako na makita na isa siya sa mga taong hinahangaan ko. Bakit nila ito ginawa? Kabilang ba sila sa games o mga players din ba sila? Mahalaga pa ba na malaman namin ito?

All the teacher's photos in a frame have their family on it, maging magulang, anak, o asawa nila kasama nila sa litrato.

Is this all fake?

Mas mahalaga ba ang pera kaysa sa buhay ng iba?

Pinaglalaban ko ang mabuhay. Pinaglalaban ko ang makarating sa tanawin na mahirap man abutin pero ipagpatuloy ko pa rin para lang maabot ito.

Kaya hindi ko kayang makita sila na ganito at tanggapin na sukuan ang lumaban. Kung sumuko na kami ngayon, paano pa kami kikilos kapag may nakaharap kaming problema?

Humarap ako sa kanila, "Ganito na lang ba tayo?! Magtatago lang?! Hindi kikilos?! Iiwasan lang harapin ang mga hadlang natin?!"

Napatingala sila sa'kin at wala silang nasabi kundi nakinig lamang sa mga salita ko, gusto pang pakinggan ang mga sasabihin ko.

"We are better than that, guys! Hindi pa tapos ang laban natin habang humihinga pa tayo!"

Isa-isa ko silang tinuturo, pinapaalala ang bawat lakas at katangian na hinahangaan ko sa kanila.

"Enid, you are a strong and smart soon-to-be mother at magiging matatag at matalino rin ang anak mo balang araw! Oslo, ikaw ang pinakamalakas sa'min na kayang makipagbakbakan sa kahit kanino! Nathaniel, matakutin ka man pero kaya mong makipagsabayan at tumulong sa iba! Mordecai, naging asshole ka man pero kaya mong magbago, patunayan mo ito hanggang sa paglabas natin! Lothaire, lahat tayo nagkakamali at nakakasakit ng ibang tao, walang perpekto na tao, ang importante kaya natin magbago at mas maging better pa tayo kaysa noon!"

Huminga ako nang malalim atsaka tinitigan sila.

"Huwag kayang hihinto habang nandito pa tayo dahil may naghihintay sa'tin sa labas! May mga tao na nagmamahal sa'tin na gusto pa rin tayo makita! May mga kinabukasan at pangarap tayo na gusto natin makamit! Kung huminto na tayo ngayon, pati ang future natin, hihinto na rin hanggang dito!"

Walang nagsalita sa kanila pero napangiti na lamang ako nang bahagya rin silang ngumiti sa mga sinasabi ko.

Agad akong kumuha ng papel at pen para ilarawan ang mapa ng buong school. Nag-isip ako nang maigi ng magiging plano, sinusulat ang aking ideya, binubura ulit ito, nilalaro sa aking imahinasyon ang mga pwedeng mangyari.

"Cove, anong ginagawa mo?" tanong ni Lothaire.

"Naghahanap ng paraan para makalabas tayo."

"Hindi nga gumana ang pagtakas natin, Cove! Mapaparusahan lang tayo katulad ng nangyari sa Death Room!" buwelta ni Enid.

"Pero iba itong plano, this time, I believe it will work. This time, it will change everything." Nakuha ko ang atensyon nila mula sa sinabi ko pero patuloy lang ako sa pagpaplano.

Golden CeremonyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon