Chapter 40
Ketchup
"Negotiation?" lumitaw ang mapanlarong ngisi ni Berto. "Ano naman ang ine-negotiate ninyo? Buhay niyo ba? Wala naman itong halaga para sa'kin."
"No, iba ang ine-negotiate ko," saad ko.
Tiningnan ako nang maigi ni Berto mula ulo hanggang paa. Mukhang nag-aalinlangan pa siyang pakinggan ang sasabihin ko hanggang sa tinuro niya kami.
"Buksan niyo ang damit niyo, tingnan natin kung ano ang mga dala ninyong kalokohan," utos ni Berto sa'min.
Tumingin ang mga kasama ko sa'kin pero tumango lang ako sa kanila, reassuring them that it's okay to follow through this.
Tinanggal namin ang suot namin na jacket. Naglaglagan ang dala namin na mga chemical bottles. Malakas na tunog ng pagbagsak ng mga bottles ang umalingawngaw sa paligid.
May isang chemical bottle ang gumulong papunta sa direksyon ng sapatos ni Berto. Nang huminto ito sa sapatos niya, atsaka niya ito pinulot para suriin.
"Balak niyo ba kong lasunin?" nagtaas ang kanyang kilay.
Binuksan niya ang chemical bottles upang amuyin ito. Anak pa naman siya ng isang drug lord kaya may posibilidad na malaman niya kung ano ito.
"Bomba ba 'to?" inangat niya ang bottle sa harapan niya.
Walang nakaimik sa'min.
"Sagot!"
"Bomba." I heard Mordecai snicker. Tiningnan ko siya nang masama atsaka siya napatikom ng bibig niya at umiwas ng tingin.
"Hindi 'yan para sa'yo," wika ko kay Berto na nagpakunot ng kanyang noo. Muli namin sinuot ang jacket namin pagkatapos itong hubarin.
"Edi para kanino?"
"Sa totoong kalaban." Tumingin ako nang diretso sa CCTV camera. Napansin kong nakatutok ito sa'kin. Umiwas ako ng tingin doon para tingnan muli sa mga mata si Berto.
"Nandito ako para makipag-negotiate tungkol sa alliance."
"Anong alliance?" tanong niya.
"Kung tutulungan mo kami, lahat tayo makakalaya nang buhay."
"Ikaw pa may kapal ng mukha ang naglakas ng loob na mag-offer ng alliance sa'kin? Sa tingin mo ba na bobo ako para kumampi sa inyo?"
"Dahil kung kinalaban mo kami, ikaw ang matatalo, hindi kami."
"Ako? Matatalo? Tingnan niyo nga sarili ninyo! Napapalibutan kayo ng mga kasamahan ko!" sabay sumenyas siya sa paligid kung saan nakatayo ang mga kasama niya sa iba't-ibang parte ng cafeteria.
"Berto, you need to listen. Hindi kami ang kalaban mo. Itong alliance lang ang paraan para mabuhay tayong lahat."
"Paano kung sabihin kong ayoko? Huh? Tatanga-tanga ka diyan ngayon?"
"Alam ko naman ang magiging sagot mo. Pinagbibigyan lang kita ng pagkakataon na magbago ang isip mo."
Mukhang nairita siya sa sinabi ko dahil sumimangot bigla ang kanyang ekspresyon. Kinuyom ko ang aking kamao para pigilan ito sa panginginig.
"Hindi ako naging estudyante rito para lang mag-aral. Ang trabaho ko'y mag-recruit at maghanap ng potential clients para sa mga droga na binebenta ko. Wala akong pakielam kung makakasira man ito sa buhay nila o hindi basta kumikita ako at ang pamilya ko. What makes you think may pake ako sa mangyayari sa inyo rito?"
BINABASA MO ANG
Golden Ceremony
Mystery / Thriller365 students. 2 rules. If you lose the game, you will die. If you win, you get millions in return. I want to be free but the only way for me to escape is playing a game where our lives are on the line. *** On the day of their graduation, Cove Molina...