Ziara
Nagising ako ng tumama ang sinag ng araw sa aking mukha. Nag inat inat muna ako bago bumangon. Nagtaka ako ng wala na si Gun sa tabi ko. Tinignan ko naman ang orasan na nasa bedside table at nanlaki ang mga mata ko nang mapagtantong alas diyes na pala ng umaga.
Kaya pala wala na si Gun.
Hinayaan ko na lamang iyon at pumasok na sa banyo upang maligo. Pagkatapos kong maligo at asikasuhin ang aking sarili ay bumaba na ako para kumain dahil kumakalam na ang aking sikmura.
"Oh hija gising kana pala. Halika na dito’t kumain." nakangiting bungad sa akin ni Manang at nilagyan pa ng pagkain ang aking plato.
"Salamat Manang, nasaan ho pala si Gun?" tanong ko dito habang kumukuha ng juice.
"Maagang umalis 'yon kanina hija. Pumunta 'yon sa opisina niya para magtrabaho. Binilin niya din saking h'wag ka daw umalis ng bahay nang hndi nagpapaalam sa akin o sa kanya." nakangiti nitong sagot. Mukha ba akong bata na dapat magpaalam muna bago umalis ng bahay? Ano ako, kinder? Tsaka wala naman akong numero ng lalaking yon. Paano ako magpapaalam. Kay manang na lang siguro.
"Ah ganon ho ba?" tanong ko dito na ikinatango niya.
Tinapos ko na lamang ang aking pagkain at nanood ng tv sa sala. Habang nanonood ng tv ay naisipan ko 'yong trabaho ko noon. Napakaboring naman kung dito lang ako sa bahay. Paano kaya kung magtrabaho ako ulit? Hmm tama magtatrabaho ako ulit. Tawagan ko kaya si Stella? Doon na lang ako mag apply sa hospital nila total kilala naman ako ni tita.
At dahil sa naisip ay agad akong tumayo sa aking kinauupuan at pumunta kay Manang upang magpaalam.
Well, i’m a kid in his eyes tsk!
"Manang pwde po ba akong umalis muna? May pupuntahan lang ho akong kaibigan. Babalik din ho ako agad" nakangiti kong paalam dito.
"Osige hija, pero umuwi ka bago mag gabi ah? At baka ako ang pagalitan ni Sir mamaya. Mag-iingat ka." bilin nito na ikinatango ko lang.
Nagbihis lang ako ng high waisted jeans at croptop na may nakalagay na “Hi daddy! Miss me?” mukha akong may sugar daddy nito dahil sa porma ko pero keri lang. Nagsuot lang din ako ng sneakers at nag ayos ng mukha.
Klnteng pulbo at liptint lang ang nilagay ko at gora na. Kinuha ko din ang susi ng kotse ni Gun sa drawer niya. Siya naman mismo may sabing free gamitin iyong sasakyan niya. Yes, he did told me that.
Agad kong minaneho ang sasakyan papunta sa bahay nila Stella. Mabuti na lang at wala siyang flight no'ng tumawag ako sa kanya kanina.
"Why are you here bitch?" mataray na ani nito at nakipagbeso sa'kin kaya natawa ako.
"Where's tita and tito? Nasa hospital ba sila ngayon?" agad na tanong ko dito.
"Yes bakit mo naman natanong?" nakakunot noong tanong nito.
Kinuha nito ang kamay ko at hinila papuntang sofa kaya sinamaan ko ito ng tingin bago umayos ng upo pero natawa lang ito. This crazy bitch.
"Mag a-apply sana kase ako bilang doctor sa hospital niyo. Naboboring na kase ako sa bahay eh." nakapaghalumbabang sabi ko sa kanya.
"Ok i'll tell my mom. But, you’ve studied business naman dito sa Manila diba? Why don’t you apply to your husband’s company? Or why don’t you manage your family business?"
"You know what? That’s the first thing in my mind. But i’m confused..." I unbotgered told Stella.
"Confused about what?" she worriedly said.
YOU ARE READING
My Husband Is A Psycho Killer [Self-Published Under IMMAC PPH]
Romance[COMPLETED] WARNING: R-18 | SPG | MATURE CONTENT Ziara Fate Hades was forced to marry Gun Cyvier Dela Fuentes an arrogant and a cold- hearted billionaire for the sake of their company. And because she's a good daughter, she agreed. But little did s...