Ziara
Nagising ako na masakit ang mata ko, mugto din at namumula. Gusto ko paring umiyak, pero wala ng tumutulong luha. Siguro napagod at naubos nadin ang mga luha ko. Namanhid nadin sa sobrang pag-iyak buong magdamag.
Wala sa sariling bumangon ako at napagpasyahang tumungo nang banyo ngunit nabaling ang atensyon ko sa pinto ng may marinig akong katok.
"Hija? Gising kana ba? Mag almusal kana." dinig kong saad ni Manang sa labas.
"Sige ho, maliligo lang ho ako." mahina at walang gana kong sagot ko dito.
"Sige hija, hihintayin ka daw ni Sir sa baba." hihintayin? What for? Para ipamukha na naman sa akin kung gaano ako katanga? Para pagtawanan?
"Sabihin niyo po sa kanya mauna na siyang kumain at baka mawalan lang ako ng gana mamaya kapag nakita ko ang pagmumukha niya." matabang kong ani at hndi na hinintay ang sagot nito at pumasok na sa banyo.
Pagkatapos kong maligo at ayusin ang sarili ko ay bumaba na ako. Isang cotton dolphin short at over-sized t-shirt lang ang sinuot ko dahil wala akong ganang magtrabaho ngayon. I felt like, i prefer to be alone this time.
Pababa ako ng hagdan ng makasalubong ko si Manang, nginitian ako nito at binati ngunit hindi ko ito pinansin at deri-deritso lang na pumasok sa kusina.
Hindj ko inaasahan ang nadatnan, si Gun at si Theresa ay nandoon sa hapag habang masayang nagkekwentuhan. What the? Anong ginagawa ng babaeng ‘yan dito? Feel at home na ang peg ni ateng niyo? Ang kapal din naman ng mukha ni Gun na patirahin pa talaga ang babae niya dito, hindi niya na nga ako nirespeto pati pa ang pamamahay namin! U-huh, i forgot sa kanya lang pala ang pamamahay nato, that’s why he can do whatever he wants to do.
Hindi ko sila pinansin at pumasok na lamang. Parang hangin sila sa paningin ko upang hindi ako madistract sa pagtitempla ng kape. But Gun is fucking bida-bida nakakainis!
"Uh Fate?" agaw ni Gun ng atensyon ko, pero hndi ko ito pinansin. Tiningnan ko lang ito na para bang sinasabing 'speak.'
"Uhm, from now on, Theresa will live there... with us." nag aalangang sabi nito, nabitawan ko naman ang kutsarang ginagamit kong panghalo sa kape na tinetimpla ko kaya gulat silang napatingin sa'kin. Kaya ba siya nandito?
Napatawa ako ng pagak bago siya tanongin.
"Why?" walang emosyong tanong ko.
"Because i’m pregnant! Isn’t it obvious?" mataray na sagot ni Theresa, kaya napatingin ako dito. Tinaasan ko ito ng kilay abot hanggang noo. Charot!
"I'm not talking to you." malamig na saad ko dito.
"Whatever." hindi magpapatalo ang gaga.
Parang nawala ang lahat ng gana ko dahil sa narinig, pati ang siyang pagkape ko ay binuhos ko na lamang sa lababo bago hugasan ang sariling baso. Paalis na sana ako ng magsalita si Gun.
"Where are you going?" nagtatakang tanong ni Gun. Isn’t it obvious to him? Or is he that insensitive jerk?
"Why do you care?" balik kong tanong dito.
"Fate, kailangang dito muna si Theresa hanggang sa manganak siya. Please... Itindihin mo muna ang sitwasyon." mahinang sabi nito kaya nabaling ang atensyon ko dito.
"Gun, pilit ko namang iniintindi eh—" hndi natapos ang sasabihin ko ng magsalita si Theresa.
"Oh, ‘yon naman pala eh, h’wag ka na kasing choosy. Ang dami mo pang arte." mataray na sabi nito. Aba! Pasalamat siya at buntis siya kung hndi baka nasabunutan ko na ‘tong babaeng 'to.
YOU ARE READING
My Husband Is A Psycho Killer [Self-Published Under IMMAC PPH]
Romance[COMPLETED] WARNING: R-18 | SPG | MATURE CONTENT Ziara Fate Hades was forced to marry Gun Cyvier Dela Fuentes an arrogant and a cold- hearted billionaire for the sake of their company. And because she's a good daughter, she agreed. But little did s...