Ziara
Isang linggo na ang lumipas ng may mangyare samin ni Gun, kaya malaya na akong nakakagalaw. Nandito ako ngayon sa hospital dahil marami akong trabaho na naiwan noong hndi ako pinapasok ni Gun sa trabaho ng isang linggo! Oo, nabasa niyo ang sinabi ko. Isang linggo niya talaga akong hndi pinapasok. Kaya ito ako ngayon maraming hinahabol, plus maraming pasyente ngayon.
"Doc Zia kailangan ka po doon sa room 147." saad ng isang nurse, kaya agad akong tumalima at tinungo ang kwartong sinasabi nito.
Pagdating ko don ay nadatnan ko si Doc Jerald na hirap kausapin ang isang pasyente at halatang nagtitimpi din ito. Bakas ang frustation sa kanyang mukha dahil sa katigasan ng ulo ng pasyenteng kausap nito.
"Doc Zia i need your help. This patient is so stubborn." agad na ani ni Doc Jerald ng makita ako.
"Alright, i will handle him Doc." sabi ko sa kanya at agad pinuntahan ang pasyenteng nagwawala.
"Don't touch me!" sigaw nito ng akmang kukunin ko ang kamay niya para turukan ng gamot.
"Mr. Kailangan niyo ho ito. At para rin ho ito sa inyo kaya huwag ng matigas ang ulo." maawtoridad na saad ko dito na ikinatawa niya lang at agad tinabig ang kamay kong pilit inaabot ang kamay niya.
Marahan ko siyang hinawakan upang kumalma ito ngunit agad niyang tinabig muli ang aking kamay. Tumama ito sa edge ng kama pero hindi ko ito ininda. Nakaluhod ako sa harap nito, pinapagaan nag ugnayan naming doktor at pasyente ngunit ayaw talagang gumana.
"Hndi mo ba ako kilala? Hoy babae! Nagkakamali ka ng tinuturukan! Huwag niyo akong pakailaman dahil wala ngang masakit sa akin!" sigaw nito kaya agad akong napahawak sa aking sentido at agad pinakalma ang aking sarili.
Nakita ko namang kinausap siya ng kaniyang asawa ata? at mukhang pinapakalma din.
"Mr. Hndi ko na uulitin ang sinasabi ko ha? Kailangan niyo ho ito." mahinahong sabi ko sa kanya sabay ngiti at inabot ang kamay niya, tinabig niyang muli ang kamay ko an siyang ikinangisi ko dahil iyon ang tumama sa edge ng kama kanina. Napapikit ako sa inis at tuluya nang sumabog.
"MR! PASYENTE KA LANG DITO KAYA SUMUNOD KA SA KUNG ANONG SINASABI NG DOCTOR MO SAYO DAHIL PARA RIN ITO SA KAPAKANAN MO! HUWAG NG MATIGAS ANG ULO AT AKIN NA ANG KAMAY MO PARA MATURUKAN NA KITA NITO! " nagdagundong ang sigaw ko sa loob ng kwarto. Hndi ko na napigilan ang inis ko dahil sa pasyenteng ito. Mukhang nagulat naman siya sa inasta ko kaya sinamantala ko ang pagkakataong iyon para iturok sa kanya ang gamot na kailangan ng katawan niya, baka bigla pa itong mahimatay dito eh, tapos isisisi sa doctor ang kasalanan.
"Ayan tapos na po. Pwde na ho kayong bumalik sa pagkakahiga at magpahinga." nakangiting sabi ko sa kanya at agad lumabas ng kwartong iyon.
"Good job, Doc Zia!" natatawang sabi ni Doc Jerald kaya sinamaan ko naman ito ng tingin.
"Arghh! It is your obligations but look! Pinapasa mo ito sa akin na parang isang bagay lamang. Tsk! Ang mga pasyente talaga ngayon, napakatigas ng mga ulo."
"Sinabi mo pa. Oh siya, may pupuntahan pa akong pasyente maiwan na kita. Salamat sa tulong!" natatawa nitong ani kaya mas lalong sumama nag timpla ng mukha ko.
"Wala nang susunod ‘yon ulol ka Doc!" winagayway lang nito ang kamay habang nakatalikod.
Aba! Anong akal aniya sa kain hindi ako busy na klase ng doctor? Lahat na lang ba ng obligasyon nila dapat ako ang sumalo kapag hindi na nila kaya? Duh! I’m not four arms for fuck sake!
Dahil sa naalalang marami pa nga pala akong gagawin ay pumunta na lang ako sa opisina ko. Habang naglalakad papunta sa opisina ay napatigil ako dahil kumosyon at mukhang nagkakagulo dito sa baba, agad naman akong nagtanong kung anong nangyayare dito. Pilit kong isiniksik ang aking sarili sa maraming tao upang malaman kung anong nangyayare.
YOU ARE READING
My Husband Is A Psycho Killer [Self-Published Under IMMAC PPH]
Romance[COMPLETED] WARNING: R-18 | SPG | MATURE CONTENT Ziara Fate Hades was forced to marry Gun Cyvier Dela Fuentes an arrogant and a cold- hearted billionaire for the sake of their company. And because she's a good daughter, she agreed. But little did s...