Ziara
Isang linggo na kaming hndi nagkakaabutan ni Gun dito sa bahay simula nong aksidenteng nangyare noong nakaraan. Nagtetext naman siya at tumatawag pero hndi ko parin maiwasang mamimiss siya. At isa pa yang lintik na death threats na 'yan. Oo tama ang nabasa niyo death threats! Isang linggo na din akong nakakatanggap non, kahit sa hospital nakakatanggap ako. At nakakainis lang dahil wala akong clue kung sino ang lintik na nagpapadala sa akin ng nga death threats na 'yon.
Kaya ngayon napagpasyahan ko na lang na puntahan si Gun sa opisina niya para sabihin ang lahat ng 'to. I can't take it anymore. I need his help. Yea, i may be a strong independent woman but i can't handle this shit. This is too much!
"Manang alis muna ako ha? Mag iingat ho kayo dito at h'wag magpapasok ng kahit sino." matinding bilin ko kay manang. Sa isang linggong nakakatanggap ako ng death threats ay naging mas maingat kami ni Manang lalo na't wala dito si Gun.
"Sige hija, huwag kang magpapagabi at mag iingat ka din ha?" bilin naman ni Manang na ikinatango ko lang.
Pumunta na ako sa garahe at sumakay sa isa sa mga sasakyan ni Gun para puntahan ito. Pagkarating ko doon sa opisina niya ay agad akong nagtanong tanong sa front desk.
"Ah Miss, nandito ba ang boss niyo? Si Mr. Dela Fuentes." nakangiting tanong ko.
"Opo, nandito ho si Sir, Ma'am." magalang na sagot nitong si Ms. Front desk. Hndi ko knows pangalan niya ih kaya Ms. Front desk na lg hahaha.
"Nasaan siya?" tanong ko ulit.
"Nasa 10th floor po siya ma'am." magalang na sagot nito kaya ngitian ko ito at nagpasalamat.
"Thankyou miss."
Pagkatapos kong magtanong kay Ms. Front desk ay pumunta na ako sa 10th floor na sinasabi niya. Hndi ko alam kung bakit pero abot abot ang kaba ko habang nandito ako sa elevator at hinihintay na makarating sa 10th floor. Ilang minuto pa akong naghintay habang kinakabahan hanggang sa tumunog na ang elevator hudyat na nandito na ako. Agad din naman akong lumabas at dahil masyadong malaki dito sa 10th floor nagtanong tanong muna ako kung saan ang opisina ni Gun.
"Ahm excuse me Miss, may i know if nasaan ang opisina ni Mr. Dela Fuentes?" nakangiting tanong ko sa babaeng nakasalubong ko.
"Ahm malayo layo pa po Ma'am eh, andon po kase sa pinaka dulo. Pwde ho bang malaman kung kaano ano kayo ni Boss?" nakangiti ding sambit nitong babae.
"Uhm, i'm his wife." nag aalangang sagot ko. Hndi ko naman kase alam kung kilala nila ako o hndi no. Nakita ko namang nagulat ang babaeng nasa harap ko kaya nginitian ko na lamang siya.
"Mrs. Dela Fuentes? Oh my god! Let me guide you ma'am. I didn't expect na makikita ko kayo dito. At hndi ko rin ineexpect na ganeto kayo kaganda sa personal! What i mean is mas maganda kayo sa personal kaysa sa picture lamang!" she exclaimed, wow naka english si ateng ah. Ginabayan niya lang ako hanggang sa makapunta kami sa opisina ni Gun.
"Thankyou Miss-" pinutol niya na agad ang sasabihin ko, sa bagay hndi ko naman pala alam pangalan nito.
"Ariana po, ma'am hehe." ang jolly niya talaga. Kanina pa 'yan ngiti ng ngiti eh.
"Saglet, nasaan na ba ang secretary ni boss?" nagtatakang tanong niya.
"Baka my iniutos lang ang boss niyo sa kanya, sige thankyou ulit Ariana." nakangiti kong sagot sa tanong niya at nagpasalamat nadin sa paghatid niya sa'kin dito.
"Welcome ho! Sige alis na po ako Ma'am." paalam nito na tinanguan ko lg at nginitian.
Nasa tapat na ako ng opisina ni Gun pero ewan ba kung bakit bumalik ang kaba na naramdaman ko kanina noong nasa elevator ako. Hndi na ako kumatok dahil parang ang tahimik naman. Deri deritso ko lang binuksan ang pintuan ng opisina ni Gun na sana'y hndi ko na lang ginawa. Nakita ko kasi si Gun at ang secretary niya, no scratch that! At si Theresa na naghahalikan.
YOU ARE READING
My Husband Is A Psycho Killer [Self-Published Under IMMAC PPH]
Romance[COMPLETED] WARNING: R-18 | SPG | MATURE CONTENT Ziara Fate Hades was forced to marry Gun Cyvier Dela Fuentes an arrogant and a cold- hearted billionaire for the sake of their company. And because she's a good daughter, she agreed. But little did s...