Chapter 25

2.7K 53 7
                                    

Zia

"ARGHHH!"

Isang napakalakas na sigaw ang nagpagulat sa akin at nagpabalikwas sa akin ng bangon. Taranta kong tinungo ang pinto upang lumabas para malaman kung anong nangyayare sa labas ngunit sirado ito, nakalock.

"Damn it!" inis kong tinadyakan ang pinto at naghanap ng pwdeng gamitin upang makalabas dito.

Nang makita ang isang mamahaling vase sa bed side table ay agad ko iyong kinuha at ginamit pangpukpok sa door knob. Agad naman itong nasira kung kaya nakalabas ako.

Habang pababa ay siyang palakas ng palakas ang naririnig kong sigaw. Sigaw na tila nahihirapan. Nagmamadali ako dahil out of curiosity, sa sobrang pag-aalala ay mabilis kong tinahak ang sala na siyang pinagsisihan kong pumunta pa ako dito.

Nakita ko si Gun na nakaupo sa isang stall na upuan. Nakatali ang dalawang kamay nito sa likod ng upuan upang hindi ito makagalaw, nagpupumiglas ito upang makaalis sa pagkakagapos ngunit pinipigilan ito nina End at Blue sanhi upang hindi ito makagalaw ng maayos.

Ito na naman ako, para na namang natuod dahil sa nasaksihan. Akala ko ay wala na akong mailuluha pa ngunit ito na naman sila, nag-uunahan sa paglaglag sa aking pisnge.

Narinig ko ang malulutong na mura ng mga kaibigan ni Gun ng napaupo ako sa sahig at doon lumakas ang aking hagulhol. Pinabayaan ko ang sarili kong nakaupo doon habang tinitingnan si Gun na pilit paring kumakawala. Nang magtama ang mga mata namin ay napahinto ito, ang kanyang mabibigat na titig at walang emosyong mga mata ay salong-salo ko. Kung nakakamatay lang ang titig niya ay kanina pa ako naliligo sa sarili kong dugo dito.

Ngumisi ito na siyang ikinabuhay ng kabang nasa loob ng dibdib ko.

"What are you crying for woman? Naaawa ka sa sarili mong asawa na siyang wala namang ginawang mabuti sayo kundi puro pasakit?" pumalatak ito at malademonyong tumawa. Pinunasan ko ang luha sa aking mga mata at matapang siyang tiningnan.

Hindi siya ang asawa ko, siya ang demonyong nasa loob ng asawa ko. Nilapitan ko ito at akmang sasmapalin ng rumehistro sa aking isip na katawan pala ng asawa ko ang masasaktan kapag tinuloy ko. If i can’t beat him physically, i will kill him mentally.

"Alam mo? Naaawa ako sayo, kapag nagpagaling si Gun ay mawawala ka na sa sistema niya alam mo ba ‘yon?" natigilan ito sa sinabi ko kaya ako naman ngayon ang ngumisi.

"Oh, cat got your tongue honey?"

"Zia don’t!" pogil ni End ngunit hindi ko ito pinansin.

"Hindi mo alam ‘yon diba? Kase ang pinagtutuonan mo lang ng pansin ay ang pagkuha ng katawan ni Gun. Ang pagkuha ng sistema niya, but you’re not thinking the consequence." nagpumiglas ito upang maabot ako ngunit dahil sa nakatali niyang kamay ay hindi niya ako naabot.

"Paano na kaya kapag nagpagaling si Gun? Ngayon mismo, ora mismo. Ano ng mangyayare sayo? Mawawala ka—

"Zia! Hawakan niyo si Gun!" hindi ko pinansin ang pagpigil sa akin ni Blue. Mas lumapit pa ako kay Gun at lumuhod sa harap niya upang magkapantay kami.

"Mamamatay ka, at higit sa lahat hindi ka na makakabalik sa katawan niya, sa sistema niya." sa isang iglap ay nasakop ng kanyang kaliwang kamay ang leeg ko.

"Enough with your bullshit woman!" napapikit ako dahil sa higpit ng pagkakasakal niya sa akin.

"G-gun..." nahihirapan kong ani ngunit mas hinigpitan niya lang ang pagkakasakal sa akin. Narinig ko ang mga sigawan at murahan ng mga kaibigan niya at ang pag-awat kay Gun pero parang wala lang itong narinig.

"Do you think i will allowed your fucking husband to make me disappeared huh?" ngumisi ito at binasa pa ang pang ibabang labi gamit ang kanyang dila.

"G-gun... S-stop i-it! T-th-this is n-not y-you..." hirap na hirap na akong huminga, at kapag tumagal pa ang pagkakasakal niya sa akin ay mauubusan na ako ng hangin. Kaya wala na akong ibang pagpipilian kundi ang gawin ang dapat na gawin. Gun— my husband said i am his weakness, and this Gun infront of me is not my husband.

"G-gun... T-th-this is m-me... y-yo-your w-wife. I-it's me Zia..." unti-unting lumuwag ang kanyang pagsasakal sa akin kaya napangiti ako.

"G-gun p-please w-wake up...M-my h-husband... I love you..."

"Arghh!" bigla ako nitong binitawan at humawak sa kanyang ulo habang namimilipit sa sakit. Ang kanyang sigaw ay siyang parang dumudurog sa akin.

"Fuck! Fuck! Fuck!" ilang ulit niyang mura habang nagpapabaling baling ang kanyang ulo sa kung saan. Nagulat ako ng may humawak sa aking balikat at tinangay ako sa kung saan.

"You did a good job Zia. It’s a big help, thank you so much." mahinang ani End. Akma itong yayakap ng biglang huminti kalaunan at napakamot sa kanyang batok kaya napakunot ang noo ko.

"As much as i want to hug you to deliver my gratitude i can’t. Baka maputol ang mga kamay ko, i love my arms than anything else." saad niya na siyang mas nagpagulo sa utak ko.

"What are you talking about?"

"Nothing, nevermind. I just want to thank you again for doing that. Gun can’t control his emotions, his self when you’re not around." kumuyom ang mga kamao nito.

"That bitch trigger him to be out of control." hindi ko naiintindihan ang sinasabi ni End. Akma ko itong tatanongin ng sumulpot si Blue na hinihingal sa tabi ko.

"He’s stable right now. Pero hindi parin tayo pwdeng magpakampante lalong lalo na’t nandito ngayon si Theresa sa US." mas lalong kumunot ang noo ko dahil sa binanggit na pangalan ni Blue kaya hindi na ako nakapagtimpi.

"At ano namang kinalaman ni Gun sa babaeng ‘yon?" inis kong tanong. Nagkatinginan ang dalawa, para silang may sariling code sa pamamamagitan ng mata sa mata.

Inis akong napapadyak at nagpameywang.

"Ano pa bang hindi niyo sinasabi sa akin ha? Ano pang tinatago niyo sa akin? Ano pang tinatago ni Gun sa akin? Ano pang hindi ko nalalaman tangina! Para akong tanga na nangangalap ng solusyon habang hindi ko naman alam kung anong problema." naiinis ako! Galit ako! Tangina ano oa bang tinatago nila sa akin?

"Misteryo na nga sa akin si Gun, ang pagkatao niya, at ang buhay niya. Tapos pati ba naman ‘yang Theresa na ‘yan magiging misteryo din sa akin?" huminga ng malalim si End. Tinanguan nito si Blue na siyang naiiling.

"Zia it’s not our story to tell—"

"Pero may kinalaman sa akin! Kay Gun!" again, napabuntong hinanga na naman si End dahil sa kakulitan ko.

"Malaki ang utang na loob ni Gun kay Theresa—"

"Hindi niya naging utang na loob ‘yon End!" galit na sigaw ni Blue sa kaibigan. Nagulat ako dahil sa inasta nito.

"What are you two talking about? Clear please."

"Hawak ni Theresa ang ina ni Gun, at ibig sabihin non, hawak ni Theresa si Gun sa leeg."

"But you said Gun’s mother is dead..." naguguluhan kong ani kay End.

"‘Yon din ang alam namin. We just found out lately because Theresa contact Gun. Nakipagbalikan ito, at kapag hindi daw si Gun nakipagbalikan sa kanya ay papatayin niya ang Mama ni Gun. At first syempre hindi kami naniwala kase nga diba ang alam namin latay na si Tita. But when Theresa send a multiple pictures and videos of Tita Ella lying in the bed we confirm that Tita is still alive. We just found ot last month."

"Kaya nagsimula na namang hindi macontrol ni Gun ang sarili dahil don. He’s stress, and it leads to his uncontrollable illness. Kaya ka niya nasaskatan nitong nakaraan dahil inaatake siya ng sakit niya. And it’s because of that bitch! Kapag talaga ‘yong babaeng ‘yon mahuli ko hindi ko titigilan—"

"Blue!"

"Hindi ko siya titigilan hangga’t hindi siya nagdurusa. Kung ano-anong iniisip mo Katapusan! ‘Yang utak mo hugasan mo nga ang dumi!" mabilis itong nagwalk-out kaya napailing na lamang si End.

"That jerk," naiiling na ani nito.





A/N: typo’s and grammatical errors, sorry homies. Enjoy reading! Stay tune and keep updated!

:>

My Husband Is A Psycho Killer [Self-Published Under IMMAC PPH] Where stories live. Discover now