Chapter 22

2.8K 61 0
                                    

Ziara

"Mom can we go to Disney Land after our graduation?" nakangiting tanong ni Faze.

Hoy ang mahal! Gusto kong isigaw sa anak ko.

Kahit nagdadalawang isip ay tumango na lamang ako. "Sure honey." I bet na kasya naman ang mga naipon kong pera sa bangko para maibigay ang luho nila ngayon. Atleast it’s worth it, deserve nila dahil sa mga achievements na nagawa nila. Na natagumpayan nila. It’s okay for me to spend all my money just for them, basta ikakasaya nila.

"Saan niyo pa gustong pumunta?" tanong ko pa sa kanila at kumuha pizza at sinubo ito.

"Philippines." agarang sagot ni Gaze na siyang ikinaluwa ng pizza'ng nasa loob ng bunganga ko. Gulat akong napatingin dito, kahit sila ay nagulat din sa nangyare sa akin.

"P-philippines?" nauutal na ulit ko sa sinabi ni Gaze.

"Are you okay Mom? You look pale," ani Faze at kinapa pa ang noo ko. Kinuha ko naman ang kamay niya at inilingan ito.

"I’m fine sweetie, but did you really said you want to go to the Philippines Gaze?" nagdadalawang isip na tanong ko sa aking anak.

"Yes mom, i want to visit the country where you came from." sagot nito kaya matagal akong hindi naka sagot. Iniisip ko pa lang na makikita sila ni Gun ay parang humabaliktad na ang sikmura ko sa kaba. Paano kung kunin niya ang mga bata sa akin? Paano kung paghiwalayin niya kami? Maraming paano ang nasa isip ko. Ngunit natigil lamang ito ng magsalitang muli si Gaze.

"It's okay Mom, if you don't want to come home. I know you would cry again if you see Dad." nakangiting saad nito pero mahahalata mo parin ang kalungkutan sa kanyang mga mata.

Paano ko sasabihin sa kanila na nagkita na kami ng kanilang ama? Paano ko sasabihin sa kanila na nandito ang ama nila? No, hindi ko dapat sabihin sa kanila. Hindi, kukunin ni Gun sa akin ang mga bata kapag nalaman nakita niya ang mga ito. Kapag pinagtabi mo pa naman silang tatlo ay hindi mo ikakailang mag-ama sila. All their features came from their Dad. Ang hugis lang siguro ng kanilang mukha ang namana nila sa akin.

Napabuntong hininga ako bago harapin si Gaze. Marahan kong hinaplos ang pisnge nito at tinanong. "Do you really want to go to the  Philippines anak?"

"Mom, it's okay—" pinutol ko na ang sasabihin niya. Napaka maintindihin niya talaga kahit kailan. Paano ko hihindian ang anak ko kung sa kahit maliit na bagay ay kaya niyang ibigay sa akin?

"We can go there." nakangiti kong saad na nagpaliwanag ng kanyang mukha, malapad itong ngumiti at agad akong niyakap.

"Really mom?" gulat na gulat ito, ang kanyang magagandang mga mata ay namimilog dahil sa tuwa.

"Yes. Since you're doing your best in school, consider this as a reward." nakangiti kong saad sa kanya.

"Ang duga!" maktol naman ni Faze kaya natatawang binalingan ko ito.

"Why?" natatawang tanong ko dito. "Okay, saan mo pa gustong pumunta Faze?" tanong ko sa kanya kaya ngumiti naman ito ng malapad at pumunta sa akin, kumandong ito na siyang ikinangiwi ko dahil sa kanyang bigat.

"Mom?" malambing nitong tanong. May kailangan 'to tingnan niyo.

"Hmm?" i hummed.

"Can you buy me a bicycle?" malambing na tanong nito kaya humagalpak ng tawa si Gaze. Agad nitong sinamaan ng tingin ang kambal na agad namang pinigilan ang pagtawa.

"A bicycle Faze huh?" natatawa nitong saad. Hndi kase marunong magbike si Faze, palagi siyang natutumba at nasusugatan.

Iniharap ko ito sa akin dahil kulang na lang ay patayin niya ng tingin ang kakambal niya. "Faze, anak. Are you sure you want a bike? You didn't even know how to drive it." paninigurado ko dito. Baka masaktan na naman siya, tapos uuwi na naman siyang umiiyak dahil natumba sa bike.

My Husband Is A Psycho Killer [Self-Published Under IMMAC PPH] Where stories live. Discover now