TATLONG LINGGO na simula ng mamatay si Xevi. Lahat ng kaibigan, pamilya, business partners nila ay gabi-gabing pumupunta dito para dalawin siya. We decided na dito na lang sa bahay niya siya ilagay. His family agree too.
Simula nang nangyare ay tahimik lang ako, palaging tulala at wala sa sarili. Ganon din sina Gun at ang mga kaibigan niya. I pull my self together, my husband needs me.
Tatlong linggo ang lumipas, i thought it was just a dream— a nightmare but no. It was all true, Xevi is dead. Huminga ako ng malalim at pinakalma ang aking sarili. Kahit anong gawin kong pagsisisi sa sarili ay tila wala namang saysay.
Kahit nanghihina ay tumayo ako upang pumunta sa kusina para magprepare ng meryenda sa mga bisita. Napahinto ako ng maabotan doon sina Gun at End na tila may seryosong pinag-uusapan.
I cleared my throat and fake a cough to catch their attention. Napatingin naman sila sakin kaya hilaw akong napangiti.
"A-ah, hi..." tuluyan na akong pumasok at dumeritso sa mga cabinet na naglalaman ng iba’t ibang biscuits and juices.
"Hello, preparing food?" si End ang nagsalita.
"Ah oo," sagot ko habang kumukuha padin ng mga pagkain.
"I should go." malamig at walang emosyon ang kaniyang tinig. Napatingin ako sa kanya ng magsalita ito ngunit ng bumaling ako sa kanyang pwesto ay wala na ito. Napatawa ako ng walang emosyon dahil na naman sa kanyang pinapakita at ang uri ng kanyang pagtrato sa akin.
"Why is he treating me that way again? Is he blaming me for what happened to Xevi?" napatakip ako ng aking mukha sa kahihiyan habang patuloy na umaagos ang aking luha.
"He’s just tired Zia, pahabain mo pa ang pasensya mo. He’s just hurt that’s why, but don’t worry he still loves you."
"Love? Huh! Nagpapatawa ka ba End? Ilang beses ko na ba siyang inintindi? Ako ba inintindi niya? He’s hurt? Bakit ako ba hindi? Bakit ba palagi niya na kang akong ginaganeto! Tangina nakakainis na!" palakas ng palakas ang aking hagulhol, lumapit sa akin si End ngunit sinenyasan ko itong manatili sa kaniyang kinaroroonan.
"Zia stop stressing your self, you may end up in hospital again." he worriedly said. Mabuti pa siya may pake sakin. Pero si Gun ano? Palagi niya na lang ba akong gaganetohin? Palagi niya na lang ba akong tatratuhin ng ganeto? Malamig na pakikitungo kapag may problema siya? Kapag galit at malungkot siya?
"Should i start thinking inappropriate things End? Like suicidal thoughts? Am i getting into there." umupo ako sa upuang malapit sa lamesa. Pagod akong napatungo habang sumisingot singot.
"Zia—" isang malakas na sigaw ang pumutol sa sasabihin sana ni End at na siyang ikinaangat ko ng aking ulo.
"What was that?" nagtataka kong tanong habang mahihinigan mo ang pag-aalala.
Oh god! Sana naman hindi na naman ito kung ano mang trahedya.
"I don’t know, let's see." naunang lumabas si End kaya agad naman akong sumunod sa kanya. Nang makalabas ay siyang pagsampal naman ng isang hindi namin kilalang babae kay Gun. Napasinghap ako sa nakita, agad akong tumungo sa kinaroroonan ng dalawa ngunit agad akong pinigilan ni End.
"What do you think you are doing End? Let me go." mariin kong saad sa kaniya na ikinailing niya lamang.
"I trusted you! You fucking bastard!" napalingon ulit ako sa babaeng sumisigaw sa harap ni Gun. Patuloy parin ito sa pagsasampal at paghahampas kay Gun ngunit wala man lang itong ginagawa o kahit pa sanggain ang mga sampal at hampas ng babae.
What the hell is he doing? Bakit niya hinahayaan ang babaeng ‘yan na saktan siya? Is he gone mad? Ano bang nangyayare sa kanya?
Tumingin ako kay End na siyang nakatingin din sa kinaroroonan ng babae at ni Gun. Nang mapansing nandoon ang kanyang atensyon ay walang pasabing kong malakas na binaklas ang aking kamay sa pagkakahawak nito. Napabitaw naman ito kasabay ng malutong niyang mura.
YOU ARE READING
My Husband Is A Psycho Killer [Self-Published Under IMMAC PPH]
Romance[COMPLETED] WARNING: R-18 | SPG | MATURE CONTENT Ziara Fate Hades was forced to marry Gun Cyvier Dela Fuentes an arrogant and a cold- hearted billionaire for the sake of their company. And because she's a good daughter, she agreed. But little did s...