Ziara
"Mom hurry up! We're going to be late!" sigaw ni Gaze mula sa labas ng kwarto ko.
"Saglet lang naman anak, malapit na 'to!" balik na sigaw ko sa kanya at nagmamadaling naglagay ng lipstick sa labi at agad kinuha ang clutch bag ko sa kama.
Pagkatapos ay binuksan ko na ang pinto at agad na lumabas.
"Sorry, Mommy overslept." paghinge ko ng tawad sa anak ko at mabilis itong ginawaran ng halik sa pisnge. "Let's go na?" tanong ko sa kanya na agad niya namang tinanguan.
"Mom we're 1 minute late." maktol naman ni Faze ng makarating kami sa baba kaya natawa ako. Ang OA lang diba? 1 minute?
"Okay, sorry na nga eh, tara na." saad ko sa kanila at pinauna na silang lumabas ng bahay bago ko ito ilock.
Agad na akong pumunta sa kotse at nakita ko ang dalawa na nag iintay doon, si Gaze ay prente lamang na nakatayo sa gilid ng sasakyan pero si Faze naman ay halata sa mukha ang pagkairita na ikinailing ko na lamang. Nang makarating sa kinaroroonan ng dalawa ay agad ko namang binuksan ang pinto at minuwestra ang aking kamay upang sila'y papasokin. Nang makasakay ang kambal ay agad ko silang kinabigan ng seat belt isa-isa. Of course, safety first before anything else.
Nang makitang safe na ang dalawa ay agad kong pinaharurot ang sasakayan patungo sa kanilang paaralan. Pagdating namin doon ay naghahanda na ang mga teacher para magstart ang program, thanks god! If late pa kami ng ilang minuto sigurado akong sasabog na si Faze.
Pinapila kami ng teacher ng kambal according sa honors ng mga bata, at dahil top 1 at top 2 ang kambal ay kami ang nasa unahan. Good thing we're not that late.
"Good morning Ladies and Gentleman, we are here today to witness your children's success. Please clap our hands to our beloved pupils who gave their best to have this awards." anang emcee na nagpaingay sa crowd.
Pumalakpak ang lahat including me of course. I'm very proud of the twins. Para sa akin hindi importante ang mga honors ng mga bata, masaya na akong makita silang nag-eenjoy sa paaralan at may mga new learnings na natutunan.
Nag-announce ang emcee na magbibigay na daw ang mga ito ng certificates and medals kaya excited naman ang kanya-kanyang mga bata.
Tatlong section ang grade 1 at by alphabetical order ang pag announce ng emcee kaya sa pangalawang section pa ang kambal. Halos 30 minutes din ang lumipas bago tawagin ang pangalan at apelido ng kambal na siyang ikinatuwa nila.
"Zyrone Gaze Dela Fuentes, first honor." pag anunsyo ng emcee, agad kaming inalalayan ng teacher ni Gazs paakyat ng stage.
Nangingiting inakay ako ni Gaze pataas, at akmang ibibigay na ang certificate nito ng biglang lumapit ang head nila sa emcee at may binulong ito na siyang ikinagulat niya.
"Oh! Our special guests are here. They late because of some matters but atleast they make it!" nakangiting anunsyo ng emcee at nakita namin ang sunod sunod na pagparada ng mga itim na nag gagandahang sasakyan.
"Please welcome our special guests Mr. Blue Daviedstein and Mr. End Boulcraige." nakangiting anunsyo ng emcee kaya gulat akong napatingin kina Blue at End na proud na proud na naglalakad patungo sa harap. Shit! Holy molly freaking shit! Sila ang special guests?
"And especially, please welcome our school sponsor... Mr. Gun Cyvier Dela Fuentes." para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig. Biglang pinagpawisan ang aking kamay na siyang nakahawak kay Gaze kaya sandale ko itong kinuha sa kanya at pinunas sa aking damit at agad din namang binalik ang pagkakahawak sa kanya.
Nagsimula ang mga bulong bulongan ng mga co-parents ko at teachers dahil sa narinig nilang pag anunsyo sa apelyido ni Gun. Shit! Shit! Shit! Bakit kase siya pa iyong school sponsor? Sa dinami dami ng paaralan sa Pilipinas bakit dito niya pa naisipang magsponsor?
YOU ARE READING
My Husband Is A Psycho Killer [Self-Published Under IMMAC PPH]
Romance[COMPLETED] WARNING: R-18 | SPG | MATURE CONTENT Ziara Fate Hades was forced to marry Gun Cyvier Dela Fuentes an arrogant and a cold- hearted billionaire for the sake of their company. And because she's a good daughter, she agreed. But little did s...