Ziara
7 years later...
"Mommy, mommy! Wake up! Wake up!" nagising ako dahil sa pag alog alog sa akin ng anak ko. I groaned which made him chuckled.
"Why? Mommy, don’t have any work today sweetie." tinatamad kong saad at nagtalukbong ng kumot.
"That’s why you need to get up Mom. We have a family day!" excited na sabi naman nito at pilit kinukuha ang kumot na nakatabon sa mukha ko. Arghh! Ang tigas talaga ng ulo, mana sa ama.
Nag-inat ako ng katawan bago ito pinugpog ng halik sa kanyang buong mukha pababa sa leeg na kanyang ikinatawa ng malakas, nakikiliti.
"Hmm, Good morning sweetie." bati ko sa aking anak matapos itong kilitiin.
"Good morning too mom." bati din nito pabalik. "Stop that it tickles!" natatawa nitong saad ng pugpogin ko itong muli ng halik kaya natawa ako at itinigil ang pangingiliti sa kanya.
"Okay, okay. How’s your sleep then?" tanong ko sa kanya. May insomia kase si Gaze, namana niya siguro sa ama niya.
"I sleep well last night Mom. Don't worry." nakangiti nitong sabi. Napangiti na lang din ako, nahahawa sa ganda ng ngiti nang anak ko.
Kahit bata pa ay magkaiba na ang kwarto nila sa akin. At sila pa mismo ang nagrequest non kaya wala na akong nagawa pa dahil 2 vs 1 ang labanan. Wala akong laban sa kanilang dalawa lalo pa’t madalas na magkasundo ang mga ito.
Kahit napaka pasaway na bata itong si Gaze ay hndi parin mawawala ang pagkacaring nito. He’ like his dad. Pero sa ibang tao ay malayong malayo ang ugali niya. Malambing sa amin ngunit kapag sa ibang tao na ay mas matigas at malamig pa sa yelo.
Nagulat kaming dalawa ni Gaze ng biglang padabog na bumukas ang pinto at iniluwa nito ang hindi maipintang mukha ng kakambal niya.
"What is your problem Faze?" takang tanong nito sa kakambal.
"I’m one and a half hour waiting for the two of you outside. And now you’re asking me if what’s my problem?" mataray na sagot nito sa kakambal.
"Don’t talk to me like that Faze. I’m still your kuya." may awtoridad sa boses ni Gaze kaya agad namang lumambot ang ekspresyon ng mukha ni Faze. Napangiti na lamang ako sa tinuran niya.
"I’m sorry kuya." saad ni Faze at agad yumakap sa kakambal.
Magkaiba ang ugali ni Gaze at Faze and they’re only six yers old. Si Gaze ay iyong tipong malambing, mabait at jolly padating sa amin ni Faze. Pero kapag sa ibang tao naman ay malamig ito lalo na kapag ito’y galit, lahat tiklop. Si Faze naman ay ang kabaliktaran nito. Mataray, palaging nag iisa, may mga kaibigan naman siya pero pili lang at higit sa lahat hndi masyadong nakikipag usap. Palagi niyang tinatarayan ang kakambal niya, hinahayaan lang naman ito ni Gaze at iniispoil pa nga. Pero kapag si Gaze na ang naging seryoso at ang nag utos sa kanya. Nagiging maamong tuta ito. Gaya na lang ngayon.
"Hali nga kayong dalawa dito." malumanay at nakangiti kong ani. Pumunta naman sila sa akin kaya agad ko silang niyakap pareho.
A warm smile escaped from my lips. I’m so lucky to have the both of them. They’re my weakness and also my strength. Kung hindi dahil sa kanila ay hindi ko alam kung paano ko pa itutuloy ang buhay ko.
YOU ARE READING
My Husband Is A Psycho Killer [Self-Published Under IMMAC PPH]
Romance[COMPLETED] WARNING: R-18 | SPG | MATURE CONTENT Ziara Fate Hades was forced to marry Gun Cyvier Dela Fuentes an arrogant and a cold- hearted billionaire for the sake of their company. And because she's a good daughter, she agreed. But little did s...