CHAPTER 3: Nahumaling sa kanyang pandesal

103 5 0
                                    

Halos limang araw na si Aula sa condo unit ni Hanz Nicolo ang lalaking sumagasa sa kanya.

Hindi siya tuloy makakain ng maayos dahil sa kalagayan niya dahil may benda pa siya sa kanang braso.

Lintik kasi ang lalaking 'yon hindi nag-iingat! Kung nag-iingat lang ito hindi magiging ganoon ang kahihinatnan niya para tuloy siyang baldado kahit sa paglakad niya'y paika-ika pa rin siya. Napasama tuloy siya sa Manila ng wala sa oras!

Naki pagtalo pa ito sa kanya noong nasa ospital sila dahil sa pagpilit nitong uuwi na pero syempre kinonsensya niya ito na hindi siya maaaring umuwi sa kanila na ganun ang lagay niya. Hirap na nga sila sa buhay tapos magiging palamunin pa siya at mag-paasikaso! Siyempre ilalaban niya ang karapatan niya!

Napilitan tuloy ito na dalhin siya sa Manila at ipa-obserba siya sa magaling na doktor kung masama pa ba ang lagay niya pero sa awa ng maykapal minor fracture lang ang nangyari sa kanya.

Ang ginawa niya nung nangyari ang aksidenteng 'yon on instinct tumalon siya sa harapan ng kotse sabay tulak niya ang kariton palayo bago pa man masagasaan 'yon.

Pero dahil sa lakas ng pag preno napa-subsub siya dahilan para magdugo ang noo niya!

Oh, di ba mas mahal pa niya ang kariton!


Ang buong akala niya swerte na siya sa araw na 'yon dahil naparami ang benta niya nagkamali pala siya. Bwisit talaga dapat hinayaan nalang niya 'yong kariton na mabangga wala sanang masamang nangyari sa kanya!

At kung sakali mang mabangga ang kariton pwede naman niyang ipabayad iyon sa lalaki ng malaking halaga para hindi na siya sumama sa Manila.

Parang nagkatotoo tuloy ang nabasa niya sa dyaryo! Paano kung natuluyan siya?

Nanghilakbot tuloy siya sa isiping iyon.

Sa tingin naman niya hindi naman masamang tao si Nicolo, ngayon lang niya napansin ang lalaki na ito pala yung sikat na artista. Pero kahit na wala siyang interes sa mga kagaya nito! Kung sa TV mukha itong santong gwapito na tinitilian pa ng mga die hard fans na kababaihan pero hindi alam ng mga ito na masungit si lalaki!

Aminado siyang magandang lalaki ito pero never siyang na attract sa mga kagaya nito.
Tumawag siya sa kanila para ipaalam na naaksidente siya at nasa mabuti siyang kalagayan pero ang lagay napasama tuloy siya sa kanyang inay!

Nakipagtanan daw siya sa lalaki at hindi daw niya natiis ang tinatagong kalandian.

Huwag na huwag na daw siyang uuwi sa kanila dahil kalat na kalat na daw na nakipagtanan siya!


Samantalang ang kanyang itay at kapatid naniniwala ang mga ito sa kanya.

Nagpadala siya ng pera sa mga ito na binigay sa kanya ni Nicolo malaki din 'ang pinadala niya diyes-mil teh! Para sa kanila sobra na 'yon.

Mula sa banyo lumitaw ang anyo ni Nicolo na katatapos lang nitong maligo at pinupunasan nito ang buhok na basa pa gamit ang tuwalya. Sanay na siya tuwing nakikita itong ganoon ang lalaki nung una nag-aalinlangan pa siyang tignan ito sa ganoong ayos pero kalaunan hindi na.

Wala itong pang itaas na damit at naka boxer short lang ito. Maganda ang hubog ng katawan nito at may anim na abs Ano kaya ang lasa 'nun? Sabi nila pandesal daw 'yon pwede kayang tikman? Kung ipaalam ko kaya sa lalaki ipapatikim kaya nito? humagikhik siya sa isipin na iyon.

Series 1: The Arrogant Actor is a BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon