Kinaumagahan ay maagang nagising si Aula para maghanda ng almusal.
Nang lumabas siya sa kanyang silid ay nakita niyang wala na sa sala si Nicolo. Maging ang mga gamit nito ay wala na rin doon. Maliban lang ang electricfan nito sa gilid na malamang iniwan na lang nito iyon.
Hmn, baka napagtanto din nito na hindi talaga maganda na tumira ito sa kanila at malamang hindi naging komportable ang naging higaan nito sa sofa nila na yaring kawayan pa naman.
Humigikhik siya.
Ano ka ngayon Nicolo, sinasabi ko na sayo hindi mo kaya ang buhay ng probinsiya!
Grabe hindi talaga siya makapaniwala kagabi na nagtungo ito sa bahay nila. Biruin mo naman, isang artista makikitira sa bahay nila? Hindi lang iyon baka may makakita dito na taga bukid at malaman nilang naroon sa kanila si Nicolo.
Pagkatapos nilang kumain kagabi at tumulong sa kusina ay nagtungo agad siya sa kanyang silid. Ayaw niyang harapin si Nicolo dahil nagagalit at naiinis siya rito.
Mabuti na lang at napasarap naman ang tulog niya kagabi at hindi na sumaginsa isip niya si Nicolo.
Nagdesisyon siyang tunguin na ang kusina at nagtungo sa banyo para maghilamos. Nang matapos siya ay kumakalam na ang kanyang sikmura. At nagulat siya na may nakatakip ng ulam sa lamesa.
Syempre mas maagang nagising ang inay niya at malamang ito ang nagluto.
Binuksan niya ang takip at tumambad sa kanya ang bacon, hotdog at may repolyo na fresh at may mayonaise pa. Ah, basta hindi niya maintindihan kung ano ang nasa lamesa. Mukhang pangmayaman kasi ang agahan.
Baka iyon ang mga bitbit kagabi ni Nicolo sa dala-dala nitong supot at binigay na lang nito iyon sakanila.
Mabuti pa nga kakain na lang siya.
Medyo bago lang sa kanya ang panlasa niya sa bacon.
Hindi pa kasi niya naranasang kumain 'nun kahit 'nung nasa condo siya ni Nicolo.
Alam niyang para sa kanya ang almusal na 'yon. At nakapagtataka mukhang marunong ang inay niya sa pagluto 'nun.
Inubos niya ang lahat na nakahain sa lamesa. Alam niyang magaang pumasok ang kapatid niya sa eskwela.
At tatay at nanay naman niya ay maaga ring umalis.
Pagkatapos niyang kumain ay nagpalipas muna siya na ilang minuto bago nagdesisyong maligo.
Pupuntahan niya kasi si Rita sa palengke.
At nang matapos siya sa paliligo ay nagbihis na siya ng kupasing maong na pantalon at lawlaw na T-shirt.
Minabuti niyang lumabas na ng kanilang bahay. Alas syete na din kasi.
Nang maamoy niya ang preskong hangin ay sinamyo niya iyon.
Pinaghalong amoy lupa at dahon!
Sobang namiss talaga niya iyon.
Tumatama pa ang nagbubukang liwayway na sikat ng araw sa kanyang mukha.
Hindi pa gaanong masakit sa balat iyon.
Napainat siya at napahikab. Ngunit kaagad ding nabutin ang paghikab niya nang mamataan niya ang pamilyar na bulto ng katawan ng tao na hindi malayo sa kanya.
Tinangga-tanggal pa niya ang muta niya na baka namamalikmata lang siya sa kanyang nakikita.
Si tatay niya kasama nito si Nicolo!
Nakasuot si Nicolo nang long sleeve at maong na pantalon at may salakot sa ulo na kadalasang sinusuot ng magsasaka. May hawak din ito na pang spray sa likuran likuran nito.
BINABASA MO ANG
Series 1: The Arrogant Actor is a Billionaire
RomanceSi Aula Maglaya ay isang ordinaryong babae na masayahin, matapang, prangka, masipag at matalino ngunit kulang sa common sense. Si Hanz Nicolo Bernales ay isang sikat na artista, mayaman, arogante, simpleng babaero, tinitingala at tinitilihan ngunit...