"Sige pa 'nay hilutin mo pa likuran ko, ayan nga diyan nga! Sus, grabe ang sarap sa pakiramdam." pipikit-pikit pa na wika ni Aula habang minamasahe siya ng kanyang inay sa kanyang likuran. Nakadapa kasi siya sa ibabaw ng sofa.
"Umuwi na tayo sa probinsya namimiss ko na ang mga kalabaw ko." sabi ng kanyang itay habang malungkot na nakatanaw sa bintana sa condo na kinaroroonan nila.
Si Nicolo kasi ang nagpresenta na mag-stay muna sila sa isang condo na sila lang apat na mag-anak.
Hinayaan muna siya nito na makasama ang pamilya niya pero isang linggo lang habang nagpapagaling siya.
Kinarir na lang niya pagpapagaling bago ulit siya magtrabaho dahil makulit si Nicolo. Para siyang babasaging kristal kung ituring nito!
Huh! Nunca naman na ituring siya 'nun na ganyan. Siguro dahil kasama niya ang mga magulang kaya nagpapakita na mabait na naman ito.
"Uwing-uwi na ba talaga kayo satin?" tanong niya.
"Hintayin na lang muna natin ang isang linggo. Matikman man lang natin ang buhay ng syudad." sabi ng kanyang inay.
"Ang boring pala dito sa syudad ate," kapagkuwan sabi naman ni Angelo.
First time kasi ng kapatid niya na makapunta ng maynila.
"Nasasabi mo lang 'yan kasi dalawang araw pa lang kayo dito. Pero pag nasanay na kayo hahanap-hanap niyo din ang buhay ng syudad."
"Kaya pala ayaw mo ng umuwi satin ate?"
Umangat ng konti ang baba niya at tinignan ito. "Hindi naman sa ganun. May trabaho kasi ako dito mas malaki pa sahod ko kumpara 'dun sa pagbebenta ko ng gulay."
"Baka nakakalimutan mo Paulita doon ka namin binuhay huwag na huwag kang magyayabang samin ng itay mo ngayon!" galit na sabi ng kanyang inay at madiin nitong ibinaon ang mga kuko sa kanyang likuran.
"Aray 'nay tigilan niyo 'yan! May sinabi ba kasi ako na nagyayabang ako."
"Mabuti alam mo,"
"Buti sana kung makita ko ulit ang babaeng iyon." singit ni Angelo.
"Anong sinasabi mo diyan Angelo? May nobya ka na ba?"
"Ah, wala ate. Kalimutan mo na ang sinabi ko." natatawa pang sabi nito.
"Huwag ka munang makikipag-nobya, pag-aaralin pa kita!" galit na sabi niya.
Pinaghahandaan kasi niya ang pag-aaral nito kapag tumuntong na ito sa kolehiyo. Kaya matinding pag-iipon talaga ang gagawin niya.Kahit si Angelo man lang ang makatapos sa kanilang dalawa.
"Ate naman hindi ba pwedeng pagsabayin ang pag-aaral at pagnonobya?"
"Aber! Paano kung nakabuntis ka?"
"Ate naman ang taas ng imahinasyon mo," kakamot-kamot ang ulo nito.
"Aula, tigilan mo na nga ang kapatid mo. Alam niya ang ginagawa niya." kunsinte ng kanyang inay.
"Hay naku, 'nay huwag niyong kunsintihin ang batang 'yan."
"Hindi ko kinukunsinti, aba ei, lalaki naman ang kapatid mo. Hayaan mo siyang mag nobya."
Napabuntong-hininga na lang siya sa sinabi nito. Pag si Angelo pwede mag nobya pero pag siya hindi pwede! Pew! Sabagay wala pa naman siyang natitipuhan. Paano ba kasi ang magka-nobyo? Masarap ba iyon?
Maya't-maya narinig nila ang pag-doorbell ng pintuan.
Hindi niya pinansin iyon.
"Sino ba 'yon?" galit na sabi ng kanyang ina sa kanyang tabi habang hilot-hilot pa rin nito ang kanyang likuran.
BINABASA MO ANG
Series 1: The Arrogant Actor is a Billionaire
RomanceSi Aula Maglaya ay isang ordinaryong babae na masayahin, matapang, prangka, masipag at matalino ngunit kulang sa common sense. Si Hanz Nicolo Bernales ay isang sikat na artista, mayaman, arogante, simpleng babaero, tinitingala at tinitilihan ngunit...