CHAPTER 13: The villain

74 4 1
                                    

Kinaumagahan nang makabalik na sila sa set sa mansyon ay nakita ni Aula si Rachelle na nakasakay ng kabayo habang may humahawak sa tali ng kabayo.

"Anong meron?" nagtatakang tanong ni Aula kay Denice, ang P.A ni Rachelle.

Napabuntong-hininga ito at mukhang problemado. "Ang alaga ko nag-eensayo. Baka kung ano pang hindi magandang mangyari sa kanya." sabi nito.

"Paanong nagkaroon ng kabayo dito sa bakuran ng mansyon?" tanong niya dito."

"Inarkila lang nila 'yang kabayo diyan lang sa malapit."

"Hayaan mo siya ginusto niya 'yan. Atsaka ba't ka ba nag-aalala sa babaeng 'yan sarili nga niya hindi nag-aalala."

"Paano kung malaglag siya-ay jusko!" napasigaw na wika nito nang kamuntik nang malaglag si Rachelle mula sa kabayo.

"Oh, see? Hindi naman siya nalaglag."

"Rachelle tama na 'yan! Baka malaglag-ay!" sigaw ni Denice kay Rachelle nang kamuntikan na naman itong malaglag.

Napatawa siya. "Mukhang nagdidilang anghel 'yang dila mo. Ikaw naman ang KJ mo hayaan mo lang kasi siya. Maikli lang ang buhay para ipagdamot ang happiness niya!"

"Naku any minute mag-uumpisa na ang shooting nila." sabi pa nito. "Ikaw nasaan ang alaga mo?' tanong nito sa kanya.

"Nandito pa sa tiyan ko," bored na sabi niya.

"Aula I am not asking your bulate, si sir Nicolo ang tinatanong ko."

"Nandoon pa yata sa hotel,"

"Bakit hindi mo sinabayan?"

"Sa pagkakaalam ko ang trabaho ko ay ayusin ang mga gamit niya."

"Huh? Hindi ka ba na-inform ni Nicolo na bukod sa pag-aayos ng mga gamit nito ay dapat nasa tabi ka lang din niya at dapat sabay kayo na nasa set kasi anytime kailangan ka 'nun."

Napaisip siya wala naman kasing sinabi ni Nicolo ng ganun sa kanya.

"Wala naman siyang sinabi sakin na ganun,"

"Buti ka pa hindi ka nai-stress sa alaga mo, sakin ayun oh! Nakakatakot ang ginagawa niya. Atsaka bakit mo nga pala inaway si Rachelle kahapon?"

"Ano? Ako inaway ko siya? Seryoso ka ba sa binebentang mo? FYI, si Rachelle ang lumapit sakin malamang siya ang nanugod,"

Bumuntong-hininga ito. "Hindi ko nga alam kung sino ang paniniwalaan ko sa inyo."

"Haler, hindi ko kailangang mag-explain!" sabi niya sabay baling sa van na kadarating lang at inuluwa niyon si Nicolo kasama si Direct Lou-Lou at iba pang mga director.

Nauna na kasi siyang dumating sa set at sumabay na kasi siya sa nagbuhat ng container van gamit ang truck ni Manong driver Rey.

Nakita niyang palinga-linga si Nicolo na parang may hinahanap at nang magawi ang paningin nito sa direksyon niya ay napatitig ito sa kanya.

Hanggang sa lumalapit ito sa kanya.

May kailangan na naman siguro ito sa kanya.

"Bakit hindi ka man lang nagpaalam na nandito ka na pala?" tanong nito nang tuluyang makalapit.

"Bakit pa ako magpapaalam ei, nasa baba nako ng hotel. Nakakatamad umakyat ulit kaya sumabay na ko kay manong Rey."

"Ginamit mo man lang sana ang cellphone mo at tinawagan ako." nakabusangot na sabi nito."

"Teka nga, ano bang problema mo kung nauna ako dito?"

"Dahil ang buong akala ko nandun ka pa sa hotel at-"

Series 1: The Arrogant Actor is a BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon