CHAPTER 21: The scandal

67 2 1
                                    

Galit na galit si Aula habang papalayo kay Nicolo.

Hindi lang iyon nagngangalit na din ang sikmura niya kasi hindi pa siya kumakain. 

At nang namataan niya ang mga pagkain na nakaharap sa gilid ay mabilis nag mga hakbang niya na tinungo iyon.

Iyon talaga ang punterya niya sa isang party dahil alam niyang may pa-foods! 

Pero siyempre hindi siya VIP kaya doon lang siya sa pagkain ng mga middle class lang. 

Pero si Nicolo malamang doon sa pang VIP iyon kakain.

Kumuha siya ng pinggan pero platito lang ang mga naroon at peste mukhang walang pinggan.

Ganun ba ang mga middle class? Pati plato parang kalahati lang? 

Mukhang konti lang makakain niya pero di bale na babalik-balik na lang siya hangga't mabusog siya.

Grabe takam na takam talaga siya sa kanyang nakikita!

Kompleto ang lahat ng iyon, may salad, pork steak, letchon, manok na prito at iba't-ibang klaseng dessert. Basta napakarami iyon para na ngang piyesta iyon sa kanya!

Si Nicolo kaya hindi pa ba nakakaramdam ng gutom iyon?

Iwinaksi na lamang niya ang kanyang isip. Bakit ba pati sikmura ni Nicolo papakialaman niya?

Ei kanina na nga lang pinagtatanggol niya ei siya pa ang napasama!

Inis na inis na talaga ang bunbunan niya sa pinapakita sa kanya ni Nicolo.

Simula nang magbalik siya nang maynila pagkatapos nang bagong taon dumiretso na agad siya sa condo ni Nicolo kasi tinawagan na siya ng binata. 

At simula nung nilisan ni Nicolo ang bahay nila nang magbagong taon ay hindi na muling bumalik ang binata.

Nag-iba na din ang tema nang ginagawang pelikula nina Nicolo at hindi na si Rachelle ang kasama nito kung hindi iba nang artista. 

At dalawang buwan lumipas bago matapos ang pelikula ay doon naman ang iskandalo nila ni Nicolo!

Putrages talaga si Christopher! Alam niyang ito ang nagkalat. Hindi naman niya alam na kinuhanan sila nang litrato nito na magkahalikan ni Nicolo!

Mabuti na lang talaga at hindi gaanong makita ang mukha niya. Pero ang mukha ni Nicolo ay sadyang kita talaga.

At dahil sa malalim ang iniisip niya hindi niya namalayan na bawat sandok niya sa pagkain ay may ibang sumasandok.

Galit ang mga mata na tinignan niya sa kung sinong hinayupak ang kumukuha ng kinukuha niya.

"Ano ba kanina ka pa a!?"

"Whoa!" sabi ng isang lalaki sa kanyang tabi at nang tignan niya ito ay napanganga siya. 

Makakapal ang mga kilay nito dahil iyon ang kapansin-pansin dito. Matangos din ang ilong nito. Matangkad at pogi siya. Parang nakita na niya ito pero hindi niya alam kung saan.

Pero hindi na iyon ang nakatawag ng pansin niya kung hindi ay ang pang-aagaw nito sa pagkain niya!

"Wahh, wahh, wahh ka riyan! Nanadya ka ba? Kita mong ang daming pagkain pero trip mong kunin ang kinukuha ko?" galit niyang sabi at binitawan ang platito.

Tila saglit itong nagulat sa sinabi niya.

Ngumiti ito at nakita niya ang pantay-pantay na mga ngipin nito.

"Relax, I didn't do that intentionally. Actually, favorite part ko din kasi ang kinuha mo." paliwanag nito.

Umikot ang mga mata niya. "Huh? Akala mo bebenta pa sakin ang rason mo."

Series 1: The Arrogant Actor is a BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon