CHAPTER 11: Locked-in taping

93 2 1
                                    

Kanina pang hikab nang hikab si Aula sa kanyang kinauupuhan sa loob ng isang container van na saktong laki lang habang tinatanaw si Nicolo ilang metro malayo sa kanya.

May locked-in taping na naman kasi ito kung kaya't pati siya ay nandoon. Malamang magiging alalay na naman siya nito. 

Kanina lang tuwang-tuwa siya sa kapapanood sa mga ito dahil makailang ulit nag-take sina Nicolo at Rachelle Buenavista, ang katambal ni Nicolo sa pelikula na pinamagatang "The sorrow of life"

Paano naman kasi mukhang hindi saulado ng bidang babae ang linya nito. At mukhang maarte din ang babae. 

At ngayon nga wala nang take two kasi naging smooth na ang kinalabasan ng pag-arte nila.

Ayaw na ayaw niya ang masyadong madramang pelikula o drama. Nakaka-bored kaya iyon.

May tatlong oras pa bago matapaos ang mga ito.

Nasa Batangas na naman kasi sila sa kung saan doon ang venue ng taping. Nandoon kasi ang mansyon na pinangganapan. 

Doon na din sila mag-stay ni Nicolo hindi niya alam kung hanggang kailan.

Nakakabagot maghintay ng oras.

Hindi naman pwede na matulog siya kasi anumang oras kakailanganin siya ni Nicolo.

Muli ay humikab siya habang hawak-hawak ang kanyang panga sa lamesang kinapapatungan ng kanyang kamay.

Napakahirap pala maging artista. Susme , nunca siyang tatanggap ng ganyang trabaho! As if naman may mag-aalok sa kanya na mag-artista!

Napahagikhik siya sa isiping iyon.

Humiga ulit siya sa folding bed at tumingin sa kisame na tanaw na tanaw ang kalangitan dahil may maliit na bintana ang container van.

Simula 'nung bata siya marami na siyang pangarap. Isa na talaga doon ang iahon ang mga magulang niya este ang bahay nila sa putikan. 

Paano naman kasi kapag binabagyo o inuulan sa bukid maputik at minsan nababaha sila.

Muntik na ngang maanod ang bahay nila 'nun sa lakas na bagyong tumama sa Tarlac noon.

Magpupursigi talaga siya sa pag-iipon para kahit papaano mapaayos niya ang bahay nila. Gagawin niyang konkreto iyon at hindi na kawayan! 

Hayss, grabe ang sarap mangarap.

Mangangako siya sa kanyang sarili na titiisin niya ang ugali ni Nicolo. Kahit magmukha pa itong halimaw sa harapan niya kapag galit na galit ito sa kanya. 

Pero bakit ngayon ang kisame napalitan na nang mukha ni Nicolo at hindi mukhang halimaw.

Gwapo pa rin ito sa paningin niya. Hindi niya iyon maikakaila sa kanyang sarili. Aba, marunong naman siyang kumilatis ng hitsura!

Pero kapag nabubweset talaga ito sa kanya naiimagine niya ang hitsura nito, mukhang unggoy at minsan may dalawang sungay!

Napahagikhik siya sa isiping iyon.

At never talaga niya nakita si Nicolo na hindi nainis sa kanya.

"Aula, ang ganda ng hilata mo diyan bumangon ka na at gawin mo na ang trabaho mo." maalumanay na sabi pa ni Nicolo habang nakangiti ito sa kanya.

First time niyang makita na nginitian siya nito. 

Nagniningning din ang mukha nito. Sana ganun na lang lagi si Nicolo.

Hayys, kung palaging ganyan si Nicolo sa kanya malamang gaganahan talaga siya sa pagtatrabaho rito.

Pero kaagad napalitan ang mukhang iyon nang makita ulit ang Nicolo na dikit na dikit na naman ang mga kilay.

Series 1: The Arrogant Actor is a BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon