Prologue

389 6 0
                                    

Rinding-rindi na si Aula sa mga sigaw at putak na naririnig niya mula sa labas ng bahay nila. Parang umalog-alog pa ang yaring kawayan na bahay nila dahil sa mga reporter at mga marites na nakiki-usosyo at walang tigil na pinagbabayo ang pintuan nila.

"Miss, Aula we need your statement about you with the two famous actors from different Tv stations."

"Lumabas ka naman ng bahay ninyo Aula, kahit konting statement lang ang marinig namin sayo!"

"Aula, sikat ka na!"

Iyon ang mga putak na naririnig ni Aula mula sa labas!

Jusme! Ang aga-aga binubulabog siya ng mga reporter!

Wala kasi ang kapatid at mga magulang niya mag-isa lang siya sa bahay nila!

"At ano naman ang gusto niyong marinig sakin!? Wala akong alam diyan! Pag nasira lang tong bahay namin malalagot kayo sakin!" sigaw din niya pabalik.

"Aula, panoorin mo ang press-conference ni Nicolo sa TV, now na!" sigaw ng isa sa labas.

Binuksan naman niya ang TV sa sala nila at totoo nga si Nicolo nandoon na at naka-upo mukhang marami na itong nasabi na hindi niya naabutan.

"I know this will upset her, please huwag niyo sana siyang guguluhin. Wala siyang alam sa nararamdaman ko..." paki-usap ni Nicolo.

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito!

Hindi niya alam kung kikiligin siya, maiinis, magagalit or watsoever! Pero ang nararamdaman niya ay inis! Inis dahil pinuputakte siya ng mga bubuyog sa labas.

Pero kinikilig siya kasi mahal pala talaga siya ni Nicolo!

"Aula panood naman kami!" sabi ng isa sa labas.

Dahil mabait siya binuksan naman niya ang pintuan at bintana nila.

"Hep! Diyan lang kayo huwag na huwag niyong ipapasok ni katiting ng daliri ng paa niyo sa loob!" babala niya sa mga ito habang ang ilan pinutakte ng flash ng camera ang mukha niya!

"Siguraduhin niyong maganda ang mukha ko diyan!" sabi niya sa mga ito sabay irap at muling pinagpatuloy pagnood ng presscon ni Nicolo.

"Aula, I know you're watching it now, gusto ko lamang sabihin sa'yo na totoong mahal kita..,"

"Eh, ano ngayon kung mahal mo ako!? Sira-ulo kang Nicolo ka pag natuluyan lang 'tong bahay namin ipapabayad ko 'to sayo!"

"Kahit kilig na kilig ka naman diyan!"

"Totoo nga ang chismis na sina Aula at Nicolo ay magkarelasyon!"

"Uwian na may nanalo na!" Sigaw ng mga bubuyog sa labas.

"Hoy, magsitigil nga kayo! Walang katotohanan iyang sinasabi niyo!"

"Aula ano ngayon ang masasabi mo sa sinabing iyon ni Nicolo!?" tabing ng isang reporter.

"Kahit isang paragraph lang magsabi ka naman!"

Tumayo siya at pinamaywangan niya ang mga ito.

"Heto lang ang masasabi ko a, HINDI KO PAPATULAN ANG NICOLO'ng 'yan! Isaksak niyo diyan sa mga tabloid! Hala, magsilayas na kayo!" bugaw niya sa mga ito.

"Aula ilipat mo sa kabilang istasyon si Tyron nagbibigay ng statement!"

Kinuha naman niya ang remote at inilipat sa ibang istasyon na kung saan si Tyron nagpa-presscon.

"Yeah, sure, I am willing to marry her and willing to spend the rest of my life with her."

"Ha!?" gulantang na sabi niya. Ano ba ang nangyayari sa dalawa!?

Yong isa umamin na mahal siya at 'yong isa naman handa siyang pakasalan!

Parang gusto na niyang himatayin.

Bago pa nakapagsalita si Aula napatingin siya sa dereksyon sa pintuan nila dahil malakas na kumalabog iyon at kamuntikan nang tumama ang paa niya sa pinto nilang yari sa kawayan, na ngayon nasira na at nakabulagta ang mga reporter sa sahig!

Dali-dali niyang kinuha ang itak sa kanilang kusin at nilapitan ang mga ito.

"Magsilayas kayo!!!"

Series 1: The Arrogant Actor is a BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon