CHAPTER 8: Became an assistant

82 2 1
                                    

Abalang-abala si Aula sa pag-aayos ng mga gamit ni Nicolo sa maleta nito dahil katatapos lang ang pictorial nito sa mens magazine. Gusto tuloy niyang pagsisihan ang pagtanggap sa trabahong iyon dahil napakamaselan nito pagdating sa susuutin nito. Naiinis na siya sa kasesermon nito. Ayaw na ayaw nito ang kahit konting gusot lang at dapat makinis at makintab ang damit nito!

Tinitiis na lang niya ang ugali nito kaya pa naman niyang magtimpi.

Sa dalawang linggon na niyang pagtatrabaho kay Nicolo ay walang araw na hindi sila nagbayangan. Tuwang-tuwa naman ang loko kapag naasar siya nito.

Ang usapan nila ni Nicolo ay kada buwan siyang piperma ng kontrata dito. Iyon kasi ang ibinigay nito sa kanya at titignan daw nito kung maganda ang performance niya. Pero mabuti na din iyon kasi hindi nga rin niya alam kung matatagalan pa niya ang ugali ng hambog na 'yon!

Nang ipagpaalam siya nito ng mga mga magulang niya ay kaagad pumayag ang mga ito.

See? Ni hindi manlang nagdalawang-isip ang mga magulang niya kung nasa mabuting kamay nga ba siya.

Nang maisilid na niya lahat ang mga gamit ni Nicolo ay hinila na niya ang maleta nito.

Kinaiinisan niya talaga ang bagong maleta ni Nicolo kasi nahihirapan siya sa pagtulak niyon! At kung bubuhatin naman niya mabigat naman. Hay, susme maleta pa lang ni Nicolo hirap na hirap na siya!

"Hanggang ngayon pa rin ba hindi ka pa rin marunong bitbitin 'yan?"  puna ni Nicolo hindi niya namalayan na nakatingin na pala sa kanya.

"Susme, ei kung dalhin ko nalang kaya ang kariton ko dito di hamak naman na  mas madali pang itulak iyon hindi gaya nitong maleta mo na sobrang higpit ang pagkakapit sa daan. Hindi naman kaya may magnet tong gulong ng maleta mo kapit na kapit sa semento!" inis na wika niya.

Napapa-iling na lang si Nicolo at nilapitan siya.

"Hindi ko alam kung tatanga-tanga ka lang talaga. Ganito lang naman ang gawin mo." sabi nito at kinuha naman nito ang maleta nito at itinulak na ito iyon para mag-demo.

"Ganyan pala 'yon hanep ba't sayo ang dali,"

"See, ganito lang kahit iikot-ikot ko pa yan gagana ang gulong, tsk easy." pagmamalaki pa nito habang ipinagpatuloy pa rin nito ang paghila ng maleta nito hanggang sa malapit na sila sa sasakyan nito.

"Wow, ang galing buti ka pa talaga gamay na gamay mo ang paghatak niyan ako hirap na hirap talaga ako. Nakakabilib ka naman marunong na marunong ka sana ikaw na lang lagi maghila sa maleta mo."

Napatigil si Nicolo sa sinabi niya at hinarap siya. "Are you kidding me!? Nagkukunwari ka ba na hindi ka mrunong para ako na ang maghila?" sabi ni Nicolo na nakataas na naman ang mga kilay.

"Naku, Nicolo nagkakamali ka! Grabe ka namang mag-akusa alam mo naman na hirap na hirap ako! Kita mo naman 'yang maleta mo ang liit ng gulong tsaka kulang yata sa asite lagyan mo naman kasi nang lumuwag-luwag naman!"" sabi niya at inikot niya ang kanyang mga mata sa inis.

"Ang dami mong reklamo baka gusto mong bawasan ko ang sweldo mo?"

Penamaywangan niya ito. "Aba subukan mo! Di mo pwedeng gawin 'yan nakasaad sa pinermahan kong kontrata na bente mil ang sahod ko kada buwan!"

"Oo na sige na buhatin mo na 'yan." sumusukong sabi nito at itinuloy na ang paglalakad papunta sa elevator.

Malamang nainis na sa kanya.

Series 1: The Arrogant Actor is a BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon