CHAPTER 27: Cherub Costales 5

57 2 1
                                    

Galit na naibato ni Cherub ang kanyang cellphone dahil sa gigil at inis.

Tinawagan kasi niya si Nicolo at babae ang sumagot!

Nakausap pa niya ito kaninang umaga na nandoon umano ito sa hospital at dinalaw ang mama nito. Tapos nang tawagan niya ngayong gabi biglang ganun ang maaktuhan niya!?

"What's that noise?" kapagkuwan tanong ni Tyron na kadarating lang mula sa kusina at kasalukuyan naman siyang nasa living room.

"I think he's cheating on me!"

"Who?"

"Who do you think is my boyfriend!?" singhal niya dito.

"Relax, I don't think Nicolo will do that."

Galit niya itong tinignan. "Really? Tinawagan ko siya at babae ang sumagot ano sa tingin mo...ang...ang ginawa sakin ni Nicolo kung bakit...kung bakit babae ang sumagot sa tawag ko!?" garalgal ang tinig na sabi niya na pinipigilan huwag maiyak.

Nilapitan siya ni Tyron at umupo sa kanyang tabi."Do you want me to call him?"

"Alas otso na nila ng gabi 'dun! Tinawagan ko siya, Tyron! Babae...babae ang sumagot at malamang...!" sabi niyang may bikig ang lalamunan kasabay 'nun ay nagsituluan ang kanyang mga luha.

Hinawakan nito ang kanyang balikat at inalo siya.

"Wait me here I'll call that moron," paalam nito atsaka tumayo.

At nang bumalik ito dumial ito sa cellphone nito. Nakailang ring muna ang cellphone nito bago nito iyon sinagot.

"Hello!" sabi nung kabilang linya at babae nga ang sumagot!

Naka-loudspeaker kasi iyon.

Parang sinaksak ang dibdib njya nang marinig muli ang boses ng babae! Parang galit pa nga ang nasa kabilang linya pero ang boses nito ay maganda.

"Who are you?" tanong ni Tyron sa kabila.

"Ano hindi kita marinig!?" sabi ulit nito na paputol-putol ang linya nito.

"Is he with you?" Tanong ni Tyron.

"Sige punta ka dito at ng magkaharap na tayo-" naputol ang anumang sinasabi ng babae sa kabilang linya at namatay iyon.

"Nakita mo na!? Niloloko ako ng pinsan mo!" hagulhol na sabi na niya.

"Sa tingin ko hindi magagawa ni Nicolo 'yan."

"Kinakampihan mo ba ang pinsan mo!? Look, ikaw na mismo ang naka-witness that there was this woman na sumagot sa tawag ko pero bakit pinagtatanggol mo pa siya!?"

"We need to ask Nicolo about that first."

"Paano!? Hindi pa ba sapat na ebidensya yan na may iba ang pinsan mo?" galit na wika niya.

"Let's call him again," sabi ulit nito.

Tinawagan ulit nito iyon pero hindi na matawagan ang kabilang linya.

"See? How will my brain accept what Nicolo did?" she said.

Hanggang sa mga sandaling iyon nanginginig pa rin ang buo niyang katawan!

Parang pinipiga ang puso niya sa mga sandaling iyon. Hindi niya lubos matanggap na magagawa ni Nicolo ang bagay na iyon.

Isang linggo pa lang silang nagkahiwalay pero ganun agad ang ibubungad nito sa kanya.

"I don't know what to say, maybe we're just mistaken." sabi ulit ni Tyron na ikina-init ng ulo niya.

"Mistaken!?" inis niyang wika.

Series 1: The Arrogant Actor is a BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon