Kanina pang hindi mapakali si Aula habang titig na titig sa hawak niyang cellphone. Gustong-gusto na niyang pindutin ang mensahe na ipapadala sana niya kay Nicolo.
Babatiin lang naman niya ito ng bagong taon pero umuurong lagi ang utak niya na huwag na lang.
Na-extend kasi ang bakasyon niya na umabot pa hanggang sa pagsulabong niya ng bagong taon.
Tinext na lang siya ni Nicolo may ilang araw na ang nakalipas na huwag muna siyang pupunta ng Manila.
Laking pagsisi ni Aula dahil bago magpasko ay umalis din si Nicolo.
Hindi niya mawari sa kanyang sarili kung bakit naawa din siya sa binata.
Magbabagong taon na mukhang malungkot niyang sasalubungin iyon.
Huh!? Siya malulungkot? Siguro nako-konsensya lang siya dahil sa pagtataboy niya kay Nicolo!
Tumingin siya mula sa kalawakan, maraming mga bituin iyon at mamaya-maya'y samu't-saring paputok na naman ang makikita niya.
Napabuntong-hininga siya bakit ba pakiramdam niya sobrang lungkot niya? Hindi naman siya ganun kapag sumasapit ang bagong taon?
Natatandaan na naman niya ang sinabi sa kanya ni Nicolo bago ito umuwi.
Ano nga ba talaga ang nararamdaman niya para kay Nicolo?
Maliban sa amo niya ito...ei, ano pa nga ba? Hindi naman kaya may pagtangi na siya sa binata?
Ipinilig niya ang kanyang ulo.
Impossible talagang mangyari iyon!
Nawala ang pagmumuni-muni niya nang may tumawag sa kanya.
"Magandang gabi sayo, Aula!" nangunot noo siya nang makita si Christopher.
Nakasuot ito ng Amerikana na parang a-atend sa party. Tinaasan niya ng kilay ito.
"Magandang gabi din! Mukhang naliligaw ka yata? Hindi dito ang sayawan," masungit na wika niya.
Nagbara ito ng lalamunan. "I-ikaw talaga ang sadya ko, ei."
Oo nga pala nanliligaw nga pala ito sa kanya.
Kasalukuyan kasi siyang nasa papag at naka-upo roon nang bigla na lang itong sumulpot sa harapan niya.
"Ikaw ba talaga 'yan Christopher!?"
Napakamot ito ng ulo. "Oo ako nga ito,"
"Nakakapanibago ka, alam mo mas gusto ko pang alaskahin mo ako sa kalsada!"
"Grabe ka naman ganyan ba talaga ang tingin mo sakin?Nagbago na ako Aula, para sayo," nakangiting tugon nito.
Kahit naman papaano bukas ang ilaw sa kusina nila kung kaya't medyo nakikita niya ang kilos nito sa kabila ng dilim.
At muntik na siyang himatayin sa sinabi nito.
Napaka-korny!
"Ang buong akala ko natauhan ka na sa sinabi ko sayo bago mag pasko na wala ka talagang pag-asa...as in wala." sabi niya.
"K-kaya nga bumalik ako ngayong magbabagong taon at baka magbago din ang desisyon mo."
"Ano ka hilo? Hindi weather-weather ang utak ko na pabago-bago kung mag-desisyon!"
"Pwede naman na baguhin natin ang nakaraan at gawin na natin iyon nang may kabuluhan,"
Nagkamot siya ng ulo. "Christopher naman ang kulit mo. Sinabi ko ng ayoko pang mag-boyfriend."
"Kaya tinaon talaga na pumunta dito bago magbagong taon kasi gusto ko na salubungin iyon...nang tayong dalawa."
Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito."Hoy, tumigil ka kinikilabutan ako sa sinasabi mo! Magbabagong taon pero undas ang isasalubong mo sakin!" inis niyang wika at tinalikuran ito.
BINABASA MO ANG
Series 1: The Arrogant Actor is a Billionaire
RomanceSi Aula Maglaya ay isang ordinaryong babae na masayahin, matapang, prangka, masipag at matalino ngunit kulang sa common sense. Si Hanz Nicolo Bernales ay isang sikat na artista, mayaman, arogante, simpleng babaero, tinitingala at tinitilihan ngunit...