CHAPTER 10: He was being possessive

81 3 1
                                    


Nang magising si Aula kinaumagahan ay kaagad siyang nagtungo sa banyo pakiramdam niya parang babaligtad ang sikmura niya. Ganoon na naman ang pakiramdam niya kagabi parang napasukan ng masamanng espiritu ang katawan niya.

Ano ba ang nararamdaman niya? Hang-over ba!?

Sa totoo lang first time niyang uminom ng alak kagabi. Mabuti na lang at na control niya ang kanyang sarili na huwag uminom ng marami. Syempre ayaw niyang maging balasubas kapag nagkataong nalasing siya.

Hindi niya kailanman masikmura ang saril na ipahiya kahit probinsyana siya.

Hindi gaya ni kumag na Kalil na 'yon na sumobra ang kalasingan!
Well, naiintindihan naman niya dahil may problema pala ito.
Naligo na siya sa banyo.

Kaninang dumaan siya sa sala ay nandoon pa rin si Kumag mukhang sarap na sarap pa sa tulog.

Anong oras na alas nuwebe na. Sabagay ganoon din naman si Nicolo kapag day-off nito kinabukasan total naman ay linggo.

Kapag ganoong linggo ay nagtutungo si Nicolo sa golf. Oo naggo-golf ito na hindi siya sinasama.


Ay ayaw din niyang sumama.

Mas gusto na lang niyang mag-isa sa condo at ka video call na lang ang mga magulang at kapatid niya.

Nabilhan na din kasi niya ng cellphone si Angelo at iyon ang ginagamit nito.

Masaya na siya 'dun kasi nakapag-padala na din siya ng pera sa kanila kahit wala pa siyang isang buwa sa trabaho niya kay Nicolo dahil binigyan agad siya ni Nicolo ng allowance niya.

Masasabi naman niya na hindi ito madamot at talagang mabait ito. Mabait!? Nahihibang na yata siya sa kanyang pinagsasabi!

Nang matapos siya sa paliligo ay nagtapis na siya ng tuwalya, ipinulupot niya ang isang twalya sa kanyang buhok at pagkatapos 'nun ay lumabas na siya.

Nang mapadaan na siya sa salas ay nakita niya sina Nicolo at Kalil na nakaupo na sa sofa at mukhang kagigising lang ng mga ito at nagkakape na.

Nakatingin ang mga ito sa kanya. At si Kalil nakaawang pa ang bibig nito samantalang si Nicolo walang reaksyon ang mga mata nito pero saglit lang at biglang nagdikit ang mga kilay nito.

"O, gising na pala kayo?" sabi niya sa mga ito.

"A, oo, oo gising na kami, halika kape tayo!" nakangiting yaya sa kanya ni Kalil.

"Sige ba, bihis lang ako!" sabi niya at naglakad muli papasok sa kanyang kwarto.

Mabilis siyang nagsuot ng maluwang na t-shit na haanggang sa kanyang hita at itim na short shorts na cotton. Mas komportable kasi siyang magsuot ng ganun kapag nasa loob lang siya ng condo.

At nang muli siyang lumabas ay muling tumingin ang dalawang mokong sa kanya na parang gulat na gulat.

"Bakit para kayong nakakita ng multo, ah!" sabi niya at umupo sa harapan ng mga ito.

Nagtimpla na din siya ng kanyang kape sa lamesa at humigop.

Nakahigop na siya ng kanyang kape pero wala pa rin siyang nakuhang salita sa mga ito.

Muling hindi nagsalita ang mga ito at nakatingin pa rin ang mga uto sa kanya.

"Hoy! Ano ang nangyayari sa inyo?" tanong niya sa mga ito na kaagad din naman silang natauhan.

Wala naman sigurong mali sa hitsura niya.

Nagbara ng lalamunan si Kalil.
"Aula, galing ka ba talagang probinsya?"

Series 1: The Arrogant Actor is a BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon