CHAPTER 22: His supremacy

66 2 1
                                    

"Take your hands off her." mahinahong sabi ni Nicolo kay Tyron.

Hindi niya alam kung bakit kinabahan siya bigla!

Nagsukatan na muna ng titig ang dalawa bago siya binitawan ni Tyron.

Binalingan naman siya ni Tyron.

"Huwag kang mag-alala pananagutan kita sa susunod na magkita tayo." bulong na sabi nito sa kanya atsaka umalis.

Nahati ang mga reporter dahil sa pagsunod ng mga ito kay Tyron.

Nagbibiro lang naman siguro siya? Gaya nang pagbibiro niya kanina na panagutan siya nito. Paano naman kasi parang nawalan siya ng dangal sa ginawa nitong pangbitbit sa kanya sa dilim.

"She's my P.A and she has nothing to do with him." paliwanag ni Nicolo sa mga tao sa kanilang paligid.

Marami ang napanganga sa sinabing iyon ni Nicolo.

Pero ang media men hindi pa rin sila tinigilan.

"Nicolo, totoo ba na magpinsang buo kayo nitong si Tyron?" tanong ng isa habang pilit silang sumusuksok ni Nicolo papasok muli sa event at ang mga media ay hindi pa rin pala talaga sila nilubayan.

"Just leave us alone!" galit na sabi ni Nicolo at binigyan naman sila ng way para makaalis sa pagkukumpulan nila.

Hawak-hawak pa rin ni Nicolo ang isang niyang kamay at hila-hila pa siya nito.

"Sandali nga lang Nicolo ang sakit na ng mga paa ko!" hingal niyang sabi nang medyo may kalayuan na sila.

Kamuntik na siyang sumigaw nang buhatin na lang siya nito nang parang sako ng bigas.

"Anong ginagawa mo! Hoy ibaba mo nga ako!" bulyaw niya rito.

Kanda hampas ang ginawa niya rito sa likuran nito pero matigas ito hindi pa rin siya binababa!

Alam niyang tinutungo nila ang parking lot dahil nakikita niya ang mga gulong ng sasakyan.

At nang marating na nila ang kapa-paradahan ng sasakyan ni Nicolo ay saka lang siya ibinaba nito.

Kamuntik na siyang matumba dahil sa naramdaman niyang hilo at pakiramdam niya naalog ng sobra ang ulo niya.

"Get inside the car at umuwi na tayo," seryosong sabi nito nang bitawan siya ngunit nakatalikod ito sa kanya.

"Hindi pa nag-uumpisa ang party bakit uuwi na tayo?" nagtatakang tanong niya.

Isang mabagsik na tingin ang ibinigay sa kanya ni Nicolo.

"What do you think, Aula!? Hindi mo ba alam kung anong iskandalo ang kinasangkutan mo!?"

Pinamaywangan niya ito dahil sa tabil ng dila nito.

"Aba, aba nagtatanong ako ng maayos sumagot ka ng hindi pabalang!"

"Hindi ba't ilang beses na kitang pinagsabihan na hindi ka dapat sumasama-sama sa kung kani-kanino lang naiintindihan mo ba!?" bulyaw nito sa kanya.

"Mabait naman si Tyron—"

"Really, Aula!? Lahat na lang sa'yo mabait ang tingin mo sa kanila!"

"Oo ang alam ko lang na hindi mabait ay ikaw! Tignan mo ang ginagawa mo sakin sinisigawan mo ako na hindi ko naman alam kung ano ang kasalanan ko!"

Tila natuhan naman si Nicolo sa kanyang sinabi at nahimasmasan pa ito.

"Nage-gets mo ba sinasabi ko sa'yo? Hindi naman ako sasama sa tao kung alam kong may masamang gagawin sakin! Atsaka totoo ba na pinsan mo si Tyron?"

Series 1: The Arrogant Actor is a BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon