CHAPTER 5: Stolen kisses

115 4 0
                                    

Naalimpungatan si Aula dahil pakiwari niya may mga matang nakamasid sa kanya.

Nilinga niya ang paligid at hindi pamilyar na silid ang nakita niya.

Nasaan ba siya? Anong nangyari sa kanya? Ang mga katanungang iyon hindi niya masagot parang ang tagal niyang nawala sa karimlan, ilang oras ba siyang nakatulog?

Pakiramdam niya medyo nahihilo pa siya.

Naalala na niya ang nangyari sa kanya, nilinisan lang naman niya ang condo unit ng impakto na si Nicolo.

Natanggal na ang benda sa kanyang braso at naigagalaw na niya iyon ng maayos, maging ang kanyang mga binti hindi na siya gumamit ng saklay. At alam niyang okay na siya.

May tatlong linggo na siya sa condo unit ng lalaki at bilang kabayaran na rin sa tulong nito kaya naisipan niyang mag linis-linis ng todo sa kusina, banyo at sa salas!

Hindi niya malinis-linis ang kwarto ng lalaki dahil naka lock iyon. Aba isang linggo na din itong wala sa condo nito! Baka nga inaamag na 'yon!

So back to the story, ayon na nga pagkatapos niyang maglinis kaagad siyang naligo na malamang napasma siya at nilagnat!

Katakot-takot ang nangyari sa kanya ng araw na 'yon ang akala niya talagang na tuluyan na siya bakit ba at lagi na lang siyang mapapahamak.

"Mabuti naman at nagising ka na,"

Napakislot siya at ganoon na lang ang tili niya sa kung saan sa pintuan may nagsalita!

Si Nicolangot!

Nakahalukipkip ito sa hamba ng pinto.

Ang presko nitong tignan at ang gwapo, mukhang bagong paligo.
Kunot na kunot ang noo nito sa inasta niya!

Nginitian niya ito ng oagkatamis-tamis na agad naman nag-iwas ng tingin.

Bakit? Pangit ba siya kaya ganun na lang ito kung makaiwas!?

Sa tingin naman niya maganda ang lahi niya kahit purita siya!

"Maka tili ka diyan, parang wala ka dito sa hospital." sukat sa sinabi nito ni linga-linga niya ang paligid maging sa kisame tiningala niya hospital ba talaga ito.

Ang ganda naman naman ng kwarto ng hospital na ito anang isip niya.

Wala rin kasing nakakabit na dextrose sa mga kamay niya kaya.

"Ikaw naman kasi kagigising lang 'nung tao ganyan agad ibubungad mo! Muntik na ulit akong mamatay sa ginawa mo!" nagngangalit na sabi niya.

"Really? Paulita? Ako na nga ang tumulong sayo ikaw pa ang galit!?

"Hey! Don't ever call me by my full name! Poorita na nga 'yong tao, kailangang kompletuhin mo pa ang pangalan ko?"

Huminga ito ng malalim at napa-ikot ito ng mga mata.

"Nasaan ba talaga ako!?" galit-galit na wika niya.

Parang nasa isang silid lang siya at napaka-komportableng tignan.

"Private hospital ito baka ngayon ka lang nakakita ng ganitong kagandang silid ng isang hospital." malamang nababasa nito ang iniisip niya kaya nasabi nito iyon.

Nakasimangot siya sa sinabi nito.

“Hoy! Probinsyana ako pero hindi ako ignorante!” nagngangalit na sabi niya.

Napabuga lang ito ng hangin sa sinabi niya. .

Pero ang totoo ngayon lang talaga siya nakakita ng ganoong kagandang hospital. Parang hindi kwarto ng isang ospital.kasi napakalinis.

Series 1: The Arrogant Actor is a BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon