Nanlaki ang mga mata ni Aula nang makita ang mga bentahan ng street foods sa kalyeng pinuntahan nila ni Kalil.
Syempre nakapag-disguise na din ito para hindi nila ito makilala. Takam na takam siya sa kanyang nakikita.
"Ano sabi ko na sa'yo ei, marami dito."
"Oo nga paano mo nalaman na may bentahan ng ganyan dito?" nagtatakang tanong niya.
Alam naman niya na richkid ito.
"Lumaki ako sa kalye na'to."
"Talaga!? Akala ko rich kid ka lang!"
Tumawa ito sa sinabi niya. "Siyempre hindi pa naman ako nakakalimot, ano kuha ka na libre ko!" sabi nito na nagliwanag agad ang mga mata niya.
Kumuha na siya ng isaw, paa ng manok, kwek-kwek at marami pang iba. Gusto niya kasing tikman lahat ng naka-display sa tinitinda ni manang.
Maging si kalil kumuha na din pero siyempre mas marami ang kinuha niya at sigurado naman siya na kakainin niya lahat ng iyon.
"Ang dami niyan ah, sigurado ka ba na kaya mong ubusin 'yan?" puna nito sa dalawang styro na hawak niya.
"Aba siyempre ako pa! Baka naman ayaw mo lang bayaran ang mga kinuha ko? Nagtitipid ka ba? Sige isasauli ko na ang iba." sabi niya at akmang bubukasan ang isang styro nang pigilan siya nito.
"Ikaw naman pinuna ko lang naman siyempre treat ko nga di ba?"
"Naman pala ba't kasi puna ka pa ng puna!" masungit na wika niya.
Binayaran na nito nag bill nila at limang daan lahat iyon.
Bumalik na sila sa kotse nito.
"May alam ako kung saan ang magandang kainin ang mga iyan." sabi nito.
"Aba ikaw ang bahala!"
Pinaandar na nito ang kotse nito at nagpatugtog itonng musika habang malakas naman ang boses niya na sinasabayan niya ang kanta.
Wala na siyang pakialam kahit sintunado na ang boses niya at tawang-tawa naman si kumag.
Maya't-maya ay itinigil nito ang sasakyan sa isang hotel.
"Hoy kumag, bakit dito?" nagtatakang tanong niya.
"Mas magandang kumain dito, mas tahimik. You know walang paparazzi atsaka pagabi na din!"
"As in? Para namang sobrang sikat mo!"
Muli itong natawa sa sinabi niya.
"Baliw ka na ba!? Bakit lahat na lang ng sinasabi ko tinatawaman mo! Magseryoso ka nga!" wika niya.
Samantalang si Nicolo lahat na lang sinasabi niya naiinis ito.
"Kaya nga gustong-gusto kitang kasama! Ibang-iba ka sa mga nakilala ko."
"Eww, ako inis na inis naman ako sayo! Kung alam ko lang kung saan ang bilihan ng street foods hindi ako sasama sa'yo!"
Muli itong natawa sa sinabi niya. "Why are you so mean!"
"Mabuti alam mo! Baba na nga tayo lalamig pa 'tong binili natin."
Nauna na siyang bumaba sa kotse nito qt sumunod naman ito.
"Bakit kasi dito mo pa ako dinala? Huwag mong sabihin na i-iyotel mo ko!"
"I-iyotel!? Ano 'yan?" takang tanong nito
"Aba, ewan ko sa'yo subukan mo lang, makakatikim ka sakin ng di mo pa natitikman sa tanang buhay mo!"
"Aba, gusto kong matikman 'yan!" ngiti-ngiting sabi nito.
BINABASA MO ANG
Series 1: The Arrogant Actor is a Billionaire
RomanceSi Aula Maglaya ay isang ordinaryong babae na masayahin, matapang, prangka, masipag at matalino ngunit kulang sa common sense. Si Hanz Nicolo Bernales ay isang sikat na artista, mayaman, arogante, simpleng babaero, tinitingala at tinitilihan ngunit...