CHAPTER 15: His enemy appearance

88 3 1
                                    

Pagmulat ng mga mata ni Aula ay nagtaka siya nang mukha ng tatay niya ang nabungaran niya.

"I-Itay?" hindi makapaniwalang sabi niya at kaagad siyang napabalikwas mula sa kanyang pagkakahiga sa isnag hospital bed.

"Gising na ang anak natin!" malakas na sigaw nito.

At nang tignan njya ang sinigawan nito ay walang iba kung hindi ang inay at kapatid niya.

Humahangos na nilapitan siya ng kanyang inay. "Paulita, ano ba kasi ang ginawa nila sayo! Totoo ba na may nang pokpok sa ulo mo!?" galit na tanong nito.

"Ano ang ginagawa ninyo dito?" hindi pa rin makapaniwala na tanong niya.

"Sagutin mo muna ang tanong ko!" galit na sabi ng inay niya.

Hinawi niya ang kanyang noo dahil makirot iyon. Mukhang napahaba ang tulog niya. Nang tignan niya ang orasan ay alas dyes na ng umaga.

Hindi niya kasi nakayanan ang antok niya kagabi kaya nakatulog siya sa sinakyan nila ni Nicolo na panghimpapawid. 

"K-kwan 'Nay nauntog lang ako,"

"Nauntog, sigurado ka? Ei, ba't ang sabi ni Nicolo na kagagawan iyan ng artista! Ikaw na bata ka magsabi ka sakin ng totoo!" sabi nito at akmang hahampasin siya nang pigilan ito ng Itay niya.

"Nay naman kagigising ko lang pinapagalitan niyo agad ako!" maktol niya at nahimasmasan naman ang inay niya.

"Sige, sige mag-uusap tayo mamaya!"

"Nagugutom ako 'nay." napalabing sabi niya.

"Tamang, tama may baon kami dito ng talbos ng kamote. Ginulay ko kanina bago kami magpunta dito. Pamparami ng dugo 'yan." sabi ng kanyang itay.

Kuminang agad ang mga mata niya sa sinabi ng itay niya. 

Paborito kasi niya iyon sa Tarlac.

Mabilis niyang kinuha iyon at pinapak.

"Magdahan-dahan ka naman ate," paalala sa kanya ni Angelo.

"Nami—miss ko kasi ito sa'tin tagal ko nang di nakakain nito." sabi niya na may laman pa ang bibig.

"Heto ang tubig baka mabilaukan ka niyan," sabi ng itay niya.

"Naku tamang-tama ito 'tay kanina pa ako uhaw na uhaw." sabi niya at nilagok ng buo ang tubig na binigay sa kanya ng ama.

Grabe nabusog agad siya kahit talbos ng kamote at kanin ang kinain niya.

Hawak-hawak ang tiyan niya  sa sobrang pagkabusog.

Napansin din niya ang kanyang suot na naka-hospital gown siya.

"Bakit mo hinihimas-himas ang tiyan mo?" kapagkuwan tanong ng kanyang ina.

"Aba 'nay malamang busog ako!"

"Baka naman hindi kabusugan 'yang laman ng tiyan mo," may pagdududang sabi ng kanyang ina.

"Nay, naman ayan na naman mga tingin mo." inis na wika niya .

"Ikaw ba ay may nobyo na dito sa Manila?"

Nanlaki ang nga mata niya sa sinabi nito."Nay, trabaho po ang pinunta ko dito hindi pagno-nobyo!" nakasimangot niyang sabi.

Narinig nilang may tumikhim mula sa pintuan.

At si Nicolo iyon. Nakasandal sa hamba ng pinto at nakahalukipkip ang mga braso nito.

Kanina pa ba kaya ito doon?

"Pasensya na po sa istorbo. Any minute darating na po ang doktor ni Aula."

"Naku, iho, okay lang. Kami nga itong naka-istorbo na sa'yo. Pagpasensyahan mo na sana ang anak namin mukhang nadamay pa ang trabaho mo dahil sa kagagawan ng anak ko." sabi ng inay niya na ikinalaki ng mga mata niya.

Series 1: The Arrogant Actor is a BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon